Gulat si Hunter sa biglang pagpasok ni Joyce sa loob ng kanyang opisina. Napaigtad pa nga ito dahil hindi inaasahang muling magpapakita so Joyce sa kanyang harapan after five days. "What are you doing here?" mariing tanong ni Hunter. Napalunok si Joyce at marahang lumapit sa kinaroroonan ni Hunter na nakaupo kaharap ang laptop nito. "I brought snacks, alam kong very busy ka. Paborito mo 'yan and also drink, binili ko pa ang mga ito sa favorite nating place." Masayang turan ni Joyce nakangiti pa nga ito. Bumaba ang tingin ni Hunter sa a mga pagkain nang nakapatong sa kanyang mesa. "Who told you to bring all of this to foods? Do you really think that because of these foods I can forgive you of what you have done to me?" Galit na ang tono ng boses ni Hunter. "Hindi! Alam kong hindi, per