Natapos ang party na hindi man lang nakalapit o naka- score si Joyce kay Hunter. Hindi iyon hinayaan ni Green, sinikap niyang sa kanya lang nakatuon ang atensyon ng kanyang asawa. At maging sa mga susunod pang mga araw ay hinding-hindi na hahayaan pa ni Green na muling mabaling ang atensyon ni Hunter kay Joyce. "Anong ginagawa mo rito? Akala ko ba, may malubha kang sakit at bed ridden ka pa kapag sinumpong?" tahasang tanong ni Green nang makita niya si Joyce sa may sala kinaumagahan. Tumayo naman si Joyce at agad nasira ang mukha nito nang si Green ang bumababa sa may hagdan. "Hindi ikaw ang sadya ko rito kung hindi si Hunter. I bought his favorite meryenda, suman latik pinagawa ko pa iyan sa Tita ko to make sure na masarap siya." Taas noong sagot ng babae. Napataas ang isang kilay ni