Nilakumos ni Green ang hawak niyang diyaryo, ang hinala nito kahapon ay nagkatotoo na. Laman na siya ng mga news, nakabandera ang kanyang mukha maging si Arthur. With caption pa sa bawat news na, asawa ng isang bilyonaryo ng kailan lang ay naaksidente at na-comatose, naghanap na ng iba! Nakakakulo ng dugo, ng laman loob nakakasakit ng damdamin para kay Green. Parang nagbalik tuloy ang araw na ipinagtabuyan siya ni Hunter dahil sa maling akala nito. "We have to stop that news for spreading, may kinahaharap tayong dilemma. Baka mamaya, si Arthur ang prime suspect ng mga netizens sa pagkaka- aksidente ni Hunter." Saad ni Donya Valerie. Napangiwi naman si Green napayuko ito dahil sa hiya. "Pasensiya na po kayo, nagkaroon pa ako ng issue ng dahil sa ginawa ni Arthur." Hinging paumanhin nito.