Maghapong hindi mapakali si Green, iniisip pa rin nito ang sinabi ni Aling Thelma. Kung magba- base siya sa kalendaryo talagang delayed na siya isang buwan na pala ngayon niya lang napansin. Saktong isang buwan na, ano ba ang nangyari? Bigla niyang naalala ang kanyang mga panaginip na sila ay nagtatalik ni Hunter at napaka- wild daw niya. Totoo bang nangyari iyon sa kanilang dalawa? Kaya ba sila nakabuo? Bakit pakiramdam niya noon panaginip lang ang lahat kagaya noong isang araw na naglasing siya ganoon na naman ang kanyang napanaginipan. Ang buong akala niya ay hindi iyon totoo kaya pala kapag nagigising siya ay masakit ang kanyang buong katawan na para bang tumakbo siya sa marathon field. Ibig bang sabihin, sinamantala ni Hunter ang kanyang kahinaan lalo na kung lango siya sa alak? Pinag