104 Green keeps worrying about Arthur, sa kaibuturan ng puso nito ay nagsisisi din siya sa pagtataray nito. Sa nadama niyang inis at pagdududa sa binata, nakokonsensya siya ngayon dahil kasama na ito sa mga madadamay in case totohanin ng kanyang stalker ang banta nito. "Mukhang hiyang ka na rito sa loob ng kulungan Joyce!" puna ni Green sa dalaga, binisita niya ito as what she's said. Kumukulo man ang kanyang dugo sa pagmumukha ni Joyce ay nagtimpi pa din siya. Baka ang kanyang marahas na gagawin ay gagamitin ng dalaga para sa kanya sa harap ng korte. Kailangan niya munang magtimpi at habaan ang kanyang pasensiya. "You're right! I'm the queen here inside the prison you know," nakangiting sagot ng dalaga. Napangisi naman si Green at mataman niyang tinitigan si Joyce. " Let me guess, y