Nilakumos ni Joyce ang hawak nitong papel, nagngangalaiti ito sa galit. "Now, I know magkakilala nga si Green at si Doctor Arthur!" bulalas nito. "Sorry, ngayon ko lang nalaman! Kung hindi ko pa nakita si Doctor na kausap si Green sa isang restaurant hindi pa natin siya mabubuko." Sabi naman ni Akirah. Noon pa sana nito sasabihin kay Joyce kaya lang ay nag-imbestiga muna ito. Palagi niyang pinapasundan since then si Doc Arthur, at gotcha! Nakita ng tauhan niya sina Doc Arthur at Green dalawang beses, sa isang restaurant at sa isang clinic. "Bakit ngayon mo lang ito sinabi ha?" singhal naman ni Joyce sa kaibigan nito, nanlilisik pa ang mga mata ng dalaga. "Eh..hindi ba for vacation kami ng family ko? Hindi ko maisabay na tawagan ka baka mamaya magtanong- tanong ang hubby ko, mangulit s