Sadya nga sigurong matapang siya sa lahat ng bagay, ngunit pansamantala namang tumiklop kay Hunter ng ilang buwan. Ngunit ipinapangako niya sa kanyang sarili na gising na siya, bumalik na ang dating Green na hindi basta-basta masisindak ninuman. "Maniwala kaya si Senyorito na nagpapanggap lamang ang Joyce na iyon?" tanong ni Adelfa nang lulan na sila ng sasakyan. Napabuntonghininga naman si Green, aminado naman siyang hindi pa sapat ang kanyang ebidensya laban kay Joyce kailangang makahanap siya ng solid na magpapabagsak sa babae. "Alam kong hindi sapat ang salita lamang upang maniwala si Hunter. Pero, atleast may idea na siya about sa muling panloloko sa kanya ni Joyce. Hindi ko nga maiintindihan eh sa kabila ng ginawa sa kanya ni Joyce nakuha pa niya itong pagkatiwalaang muli." May hi