Padabog na napatayo si Alexis, ito kasi ang lihim na sumubaybay kay Joyce. Nakita niya ito sa isang Mall at kanyang sinundan, sayang nga lang at nakatakas ang dalaga mula sa kanyang mga kamay. Si Alexis ang tumawag sa mga pulis under the command ng kanilang Tiyuhin which is Ninong ni Hunter sa binyag. "Damn it!" bulalas ng dalaga nagpaikot- ikot ito sa kanyang paglalakad. "Nakakahilo ka ano ba!" reklamo ni Alexa. Gigil na humarap si Alexis sa kanyang kapatid. "Konti na lang sana mahuhuli na ang bruhang iyon!" aniya. Napahalukipkip naman si Alexa, napaiyak pa nga ito. "Alam mo namang may sa pusa ang babaeng iyon. Ngayon alam na niyang may warrant of arrest siya sumisikip na ang kanyang mundo. Bilang na din ang mga araw niya dito sa labas, dapat mahuli na ang impaktang iyon." Sabi nama