Unti- unting bumalik ang malay ni Green, okay na din ang vitals nito. Katunayan ay nasa recovery room na ito. "Ang anak ko, Doc?" agad na tanong ni Green kay Diane. Ngumiti si Doc Diane sabay senyas sa katabi nitong Nurse. Tumalima naman ang Nurse upang kunin si baby Whitlock sa nursery room nito. Natigilan si Green nang makita si Hunter na nakahiga sa isa pang bed katapat niya. "Doc, bakit nakahiga si Hunter diyan? Tulog ba siya?" nagtatakang tanong nito. Napatawa nang mahina si Doc Diane sabay iling. "Ewan ko ba sa asawa mo, nahawakan lang si baby nahimatay na!" sagot nito. "Ano?!" bulalas ni Green at muli nitong sinipat ng tingin si Hunter. May nakakabit na oxygen dito wala ng iba, kaya alam niyang okay lang ang kanyang asawa. "Okay lang ba siya, Doc Diane?" tanong na naman ni G