~(AIZEN SANTOS POV) The whole dinner was fun. Hindi ko alam kung nakakain pa ako nang maayos, siguro kung nasa mood lang si Chantal na makipagbiruan sa kanila baka lalong sumakit ang tiyan ko katatawa. "Tapos tumakbo sa akin si Brent nanginginig tapos namumutla sabi niya tol... tol..." Hindi pa nasasabi ni Jade ang kwento pero natatawa na kami kung paano nito gayahin ang itshura ni Brent. "Nakita yata ako ni Kier..." Tumingin ito sa palagid still acting kung anong itshura ni Brent that day. Punong puno lang ng laughers ang hapag. Napa-facepalm na lang si Brent habang naginginig ang balikat katatawa. "Sabi ko bakit ba? Ano bang ginawa mo? Sabi niya, t-tol..." ginaya nito ang ng boses ni Brent at ang paglinga nito sa paligid. "N-Nakita yata ako ni Kier, nakatitig ako kay Russ, papatayi