Chapter 3

1763 Words
~(KIANNA SANDOVAL POV) Nakasanayan ko nang gumising ng umaga. Kahit may yaya naman si Keizel at marami namang katulong sa bahay, nakasanayan ko na rin na asikasuhin ito. Kabababa ko lang ng hagdan ay nakarinig agad ako ng ingay. "Why did you touch my books! I told you not to touch any of my things!" rinig kong sigaw ni Keizel. Humakbang ako papunta sa living room kung saan nagmula ang sigaw nito. "I'm sorry. It was wet. I had to dry it off," ani Therese. "I.don't.care! If I tell you not to touch my things, don't touch my things! You're a meddler!" muling sigaw nito. "Keizel," saway ko sa kanya. Hindi ito nag-abalang tumingin sa akin. Galit na galit ito. Kinuha nito ang libro at pinasok sa loob ng bag niya. Therese looked so worried. Bumuntong hininga ako at nilapitan sila. "I'm going to leave now," mataray na anito at humakbang palayo. Sinundan naman siya ng mga katulong. Muli akong bumuntong hininga at bumaling kay Therese. "Wag mo na lang pansinin." Pinilit nitong ngumiti at tumango. Tinungo ko ang garage. Kinuha ko ang balikat ni Manong driver na driver pa namin sa Pinas. "Ako na," sabi ko. Tinuro ko kay Keizel ang sasakyan ko. Nakahalukipkip itong pumasok sa ferrari ko na hindi parin maipinta ang mukha. Binibilin ko na lang si Klein sa yaya nito. Habang nasa byahe ay mukhang mainit pa rin ang ulo ni Keizel. "Don't be mean, baby. What you did was wrong. How many times should I tell you to respect your Tita Therese?" "She's not my Tita. She's no relative. She's just a plain doctor you compensate." "Don't talk like that," agad sabi ko. I was quite shookt. Kailan pa siya natutong magsalita ng ganoon? "Dad is doing fine. He's not sick anymore. He doesn't need a doctor. That woman should go back where she came from." "You already went overboard, Kei. She's your daddy's girlfriend." I made sure to sound quite strict para kahit papaano ay maisip nito ang pagkakamali. Tinakpan nito ang tainga. "My Momma is Daddy's only girlfriend! My Daddy's only wife!" Aine raised her well. Nasaksihan ko iyon. Si Keizel, hindi siya palasigaw, marunong siyang sumunod. Lagi niyang kinuwentuhan ang daddy niya noong mga panahong nasa higaan pa ito. Actually, everyday kinakausap niya ang Daddy niya noong comatose pa ito. I was happy because she was telling him lots of things about her. Noon lang siya ulit naging madaldal simula nang mawala ang Momma niya pero noong gumaling ang daddy niya at napansin niyang nagkakamabutihan ito at si Therese ay nagsimula na siyang maging iritable. Alam kong hindi niya matanggap. She was aMomma's girl and she was selfish like her daddy. Kahit wala na ang momma niya, gusto niyang ito lang ang mahalin ng daddy niya. "You're shouting at me," I said. Nawala ang pagkasalubong na mga kilay nito at unti-unting bumusangot. "No..." malumanay na sabi nito. Kailan ko lang din na-realize na hindi ko pala talaga mapapantayan ang pagpapalaki ni Aine sa kanya. Ngayon na wala na ang guide niya, lumalabas na ang mga sides na namana niya sa magaling kong kapatid. "Don't forget to respect other people. That's Sandovals' number one rule, right? Therese only cares for you. She loves you, can't you see?" "No. She only loves daddy. She's just trying to be nice to me because I'm daddy's daughter." Isa sa ugali nito ang hindi marunong makinig. Manang mana talaga sa ama niya. Minsan ako na lang din talaga ang nagsasawang paliwanagan ito. Nilingon ko siya. "Don't shout at her again, can you promise?" Lalo itong napa-busangot habang nakatingin sa daan. Tumaas pa ang isang kilay nito. "No. I can't." "Why not?" "Because I'm not a liar. I don't make promises I can't keep." Napailing na lang ako. Hindi ko alam kung paano ko siya pagsasabihan gayong hindi ko rin masuway si Klein kapag sumosobra na ito sa tigas ng ulo. Madalas siyang ganoon kay Therese na parang lahat ng gawin nito ay kinagagalit niya. Pinagsasabihan rin siya ni Russ pero sinusukuan niya rin si Keizel. Kapag ang daddy niya naman ang kumakausap sa kanya masyado siyang nagiging sensitive. Umiiyak na lang siya bigla at magsasalita siya ma parang ilang siglo na siyang nabubuhay sa mundo. She was funny tho. Si Nanay naman ay masyadong mabait kaya hindi niya rin ito pinapakinggan. Ganu'n na rin si mom at si dad. Masyadong ini-spoiled ng mga ito ang mga apo nila. "Can't you fire her, tita?" she asked. "No," natatawang sabi ko. "Baka mauna pa akong palayasin ng daddy mo." "Hmm, I hate that doctor," mahinang bulong nito. ~(RUSSELYN SANDOVAL POV) Bumagsak sa sahig si Klein dahil sa pagtama ng unan sa mukha niya. Kahit mukhang nasasaktan ay mukhang natutuwa pa rin itong makipaglaro sa akin. "Kikiam, come here!" Lumapit ito sa akin. "What Kikiarm?" Medyo bulol pa itp kahit 3 years old na. Pero kahit may pagkabulol, makatwiran pa rin. Minsan gusto na lang mabaliw ng mommy niya sa kanya. "It's you," sabi ko rito at kinalabit ang dulo ng ilong nito. "It's you." Humagalpak ito ng tawa nang kilitiin ko. Hinihingal itong napahiga sa couch. Mayamaya ay nagtanong ito. "Tita, is daddy coming here today?" "No," I told him. Mukhang nalungkot ito sa sagot ko. "Why?" "Because he's ban here and..." Bumusangot ako just to annoy him. "he doesn't love you anymore. He has a new family now. He doesn't love you and your mommy. You'll never see him again." Tumiklop ang mga labi nito at nanlaki ang butas ng ilong. Namumuo na ang luha sa kulay asul na mga mata nito na nakuha niya sa mommy niya. "Awww... I feel bad for my baby," pang-aasar ko pa at hinaplos ang pisngi nito. "Waaaaahh!" iyak nito. Napangiti ako nang maiyak ito. How I loved to make him cry. It was so satisfying. "Daddy!" sigaw pa nito. "Congratulations," natatawang sabi ni Therese na mukhang sumilip lang dahil sa pag-iyak ni Klein. Hindi na nasanay. "Thanks," nakangiting sabi ko at muling bumaling kay Klein. "You'll be alone forever. Your mommy doesn't love you anymore too— ouuuch!" daing ko nang makaramdam ko ng pinong kurot sa tagiliran ko. Napahawak ako sa kinurot ni Ate habang nakangiwi. "Shhh, hush baby." Kinuha niya si Klein na nakahiga sa couch at niyakap. "Mommy, daddy doesn't love us anymore? Why? Am I a bad boy?" Tiningnan ako nang masama ni Ate at akmang muling kukurutin ako pero umusog ako palayo sa kanya. "What?" I mumbled. Hinaplos nito ang ulo ni Klein. "No. We'll visit him today. Don't cry. Tita was just kidding." Humiwalay ito kay Ate na puno ng excitement ang mga mata. "Really, Mommy? I'm going to change clothes now!" nakangiting anito at mabilis nagtatakbo palayo. ~(KIANNA SANDOVAL POV) Nauwi kami sa rambulan ni Russ. Kahit kailan hindi nito tinigilan ang anak ko. "Ate!" sigaw nito habang sabu-sabunot ko ang buhok niya. Hindi naman iyon ganu'n n kahigpit. Madalas nahahawa ako sa pagiging childish niya. Parehas kaming parang bata na nagkakaladyaan. Matagal ako dito sa London noon, hindi ko sila nakasama ni Kier. Ngayon ko lang talaga sila nakasama sa iisang bubong na maglilimang taon na. Hindi ko alam na it would be fun. Nawala ang stress namin. Ang pressure na magtrabaho. Nakalimutan namin na may business kami na dapat alagaan. Si Russ, paminsan-minsan ay umuuwi pa rin sa Pinas. Madalas si Brent ang dumadalaw sa kanya noon dito sa bahay pero hindi na ngayon na bigla na lang ayaw na siyang papasukin ni Kier sa bahay without informing him na darating ito. Ganu'n pa man, sinusubukan pa rin ni Brent na kuhanin ang loob ni Kier ganu'n na rin si Liam. "My hair!" maarteng sabi nito. "Kakalbuhin talaga kita." Hobby niyang paiyakin nag anak ko. Kung titingnan siya mukhang matured at poise na poise all the time pero kapag nasa bahay at kami lang ang kasama ay daig pa ang jologs na tambay sa kanto. Minsan mas sawayin pa nga ito kay Klein at Keizel. "Tita, tito si Ate oh!" sumbong nito nang matanawan sina mom and dad na pumasok sa living room. Binitiwan ko na siya at tinapik ang hita niya para paupuin siya nang maayos. Gusto kasi ni dad ay formal kami laging humaharap sa kanila ni mom. It was fine with me. I also wanted to show respect to them. Naiiling si mom at uminom sa tsaa niya nang makaupo sa katapat na couch. "Para kayong mga bata," ani dad at bumuklat ng dyaryo. "Dad, pinaiyak na naman niya si Klein," sumbong ko. Binaba ni dad ang dyaryo at tumingin kay Russ. Nakita kong napakagat ito sa ibabang labi at yumuko. Guilty. "Inagawan mo na naman ba ng laruan?" "No, tito!" agad depensa nito. Muling binalik ni dad ang tingin sa dyaryo niya. Hindi ba siya magagalit sa bruha? "Ikaw daw ang naghatid kay Keizel, anak? May baon bang pagkain iyon?" tanong ni Mom sa akin. "Yes, mom." Tumayo si Russ at tumabi kay Mom. Yumakap ito sa braso ni mom at sinandig ang ulo niya sa balikat nito. "Tita, shopping tayo today. It's so boring here, aalis na si Klein, wala na akong laruan." Laruan talaga tingin niya sa anak ko. Si Keizel hindi niya mapaglaruan dahil mas maldita sa kanya at siguradong hindi siya sisikatan ng araw kay Kier. "Date po kayo ni tito, sama ulit ako." Napailing na lang. Madalas siya ang kasama nina mom and dad. Minsan pinipigilan ko siyang sumama dahil date ng dalawa iyon pero hindi ito nagpapa-awat. Masaya ako na masaya sina mom and dad ngayon. Finally, no hiding of feelings to each other. Finally, kahit papaano naiintindihan ko na lahat. Inayos ko ang mga gamit ni Klein dahil doon muna siya sa daddy niya magi-stay ng tatlong araw. Noon, dito nakatira at natutulog si Liam pero bigla na lang ayaw na ni Kier na dito ito patulugin. I thought it would be fine kung ako na lang ang matulog sa bahay nito but he got upset. Inaway niya ako and forced me to go back home sa loob ng limang minuto. I did not expect na galit na galit ito. Parang reclusion perpetua na ang pataw sa pagtulog ko sa bahay ng boyfriend ko na ama ng anak ko. Minsan napapa-isip na lang din ako kung si dad pa ba ang ama ko o napalitan niya na ang posisyon nito. But then, I chose to follow him. After all, alam kong concern lang ito sa akin at sa reputasyon ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD