~(KIER JOYVE SANDOVAL POV) Every Saturday nagpapalit kami ng off ni Zen sa trabaho kaya alam ko kung gaano kahirap mag-alaga ng anim na makukulit na anak. Hindi ako nagising sa pag-alis ni Zen pero nagising ako sa mga batang tumatalon sa ibabaw ng kama. "Daddy, gising na ikaw!" "We're hungry!" "Let's play na, daddy!" Nahihilo ako sa pag-uga ng kama sa katatalon ng mga ito. They were really unfair. Ganoon nila ako gisingin samantalang kapag gigisingin nila ang mommy nila ay pinupuno lang nila ng halik. "Be careful, baka malaglag kayo," inaantok na bigkas ko. Habang nagsisipilyo ako ay halos mawarak na ang damit ko sa kahihila nila. Hindi ko na nakuhang mag-shower pa. Bumaba kami ng hagdan na buhat ko si Kiandre at King sa braso ko habang nakapasan naman sa likuran ko si Zice. Mabu

