~(KIER JOYVE SANDOVAL POV)
"Daddy, look! I got perfect scores! I think I'll get the highest honor again!" Excited na anito.
Umupo ako sa isang silya at kinuha siya para i-upo sa lap ko.
"Let me see?" Perfect nga ang scores nito sa final examination niya sa lahat ng subjects, "Okay, I'll you eat 2 bars of chocolates tonight."
Namilog ang mga mata nito, "Really, Daddy? Yehey!"
She really loved chocolates and anything sweet.
"But eat your dinner first." Sabi ni Ate at humila ng silya at umupo doon.
"Congrats baby ko." Ani Russ at hinalikan ang pinsgi ng anak ko bago ito umupo sa isang silya.
Nanay, Mom and dad also congratulated her. Hindi nawala ang ngiti sa mga labi nito not until Therese congratulated her.
She didn't even bother to say thank you at lumipat ito sa isang silya katabi ni Nanay. Bumuntong hininga ako at nilagay ko ang braso ko sa baywang ni Therese.
"Take a seat."
She smiled a little. Umupo ito sa tabi ko at nilagyan ng pagkain ang plato ko.
"Where's Klein, anak?" Tanong ni Mom kay Ate.
"Tulog, Mom. Papakainin ko na lang mamaya kapag nagising."
"Alanganin yata ang tulog?"
Umakyat na rin kami sa kwarto after the dinner. Habang naka-unan si Therese sa dibdib ko, marahan kong dinala ang palad ko sa pisngi nito.
"Soon she will learn to accept you."
"She's still young. Naiintindihan ko naman. Baka hindi pa siya handa."
Humugot ako ng malamin na hininga.
"I'll continue to love her..." Nag-angat ito ng tingin at inabot ang pisngi ko, "to love you no matter what happen."
She always tried to understand everything. Ayokong maging unfair sa kanya ang lahat ng bagay. I already talked to Keizel pero wala akong magawa sa tigas ng ulo nito, she hates who she hates.
"Thank you." Marahan kong dinampian ng halik ang mga labi nito.
~(KIANNA SANDOVAL POV)
Sinundo kami ni Liam sa bahay at sumama lang ako para ihatid lang din si Klein dahil schedule niya to sleep at his daddy's home. Naging ganoon na ang routine namin dahil hindi pa rin pumapayag si Kier na bumukod kami ni Liam.
Katatapos ko lang magluto ng dinner at kasalukuyang tinatanggal ang suot kong apron, humarap ako kay Liam na nasa tabi ng table.
Nakatingin lang ito sa akin na para bang swerteng swerte na naman siya sa sarili niya na may maganda siyang girlfriend na marunong magluto. Unfortunately, marunong lang.
"What is it?" Tanong ko with smile on my face.
Kinuha niya ang dalawang kamay ko and looked straight into my eyes.
"Good news."
"Hmm?" Nanatili lang akong nakatingin sa mukha nito na hindi nawalan ng ngiti sa mga labi, "what?"
"Pumayag na si Kier na magpakasal tayo."
Agad namilog ang mga mata ko, "A-Are you serious?"
He nodded at lalong napangiti nang malawak.
"Oh my gosh!" Mabilis ko siyang niyakap nang mahigpit. We're both giggling in happiness. Ilang saglit bago ako humiwalay sa kanya, "Did you talk to him? Paano? Kailan?" Sunod-sunod na tanong ko.
"It doesn't matter."
Muli akong napangiti nang malapad. Yeah, it doesn't matter.
"But... he has a condition."
Kumunot ang noo ko, "What?"
"Prenuptial agreement."
I was not surprised. Actually, napag-usapan na namin ni Liam iyon noon pa. He was ready kung ano mang gustuhin ng pamilya ko pero hindi ko pa rin maiwasang malungkot.
Hinaplos nito ang kamay ko, "Pinoprotektahan ka lang niya."
Pinilit ko paring ngumiti, "I know..."
And I knew that Kier trusts me enough to make decisions for myself at gusto kong intindihin na gusto niyang protektahan ako. That he didn't want anyone to take advantage of me. I really appreciated that.
"Sinabi ko naman sa'yo, hindi ba? Hindi mahalaga sa akin ang per. You and Klein are my my treasure, hindi ko na kailangan ng iba pang bagay o pera sa mundo dahil kayong dalawa lang ni Klein ang mundo ko."
He always tells me na he was lucky to have me in his life pero ang totoo, mas swerte ako sa kanya. We both hugged each other with too much affection.
Pag-uwi ko ng bahay hinanap ko kaagad si Kier. Nakita ko siya sa garden with Russelyn na yakap-yakap siya. Mukhang stressed na siya rito pero ayaw siyang bitiwan ni Russelyn. Napangiti ako at nakiyakap sa kanilang dalawa.
"Thank you so much, baby boy." I said.
Bumaling sa akin si Russ with too much excitement in her eyes.
"Magpapakasal na ako, Ate!"
I was quite surprised ganu'n pa man, napangiti ako, "Me too!"
"OMG!"
Niyakap namin ang isa't isa while making a kilig sound.
Napailing na lang si Kier. Akmang aalis na ito pero niyakap namin siya ni Russ.
"Psh, you two, get off me." Masungit na anito.
He really hated it kapag niyayakap namin siya ni Russ. Ni ayaw na ayaw niyang magpahalik sa pisngi but as usual, wala siyang nagawa kung hindi ang magreklamo at utusan kaming bitiwan siya. Therese was just smiling at us. Alam kong nasaksihan niyang lahat ang asaran, kulitan at kaladyaan namin sa isa't isa.
~(KIER JOYVE SANDOVAL POV)
"You made them so happy."
Nanatili akong nakatingin sa kung saan habang nakasandig siya sa dibdib ko.
Tiningala ako nito, "What made you change your mind?"
Hinaplos ko ang balikat niya, "I just realized how...short time is."
Ngumiti ito at dinala ang palad sa pisngi ko, "I'm proud of you. Alam ko kahit lagi kayong nag-aasaran, hindi madali para sa'yo na pakawalan sila."
Tiningnan ko ang mga labi niyang noon ay nakangiti pa rin. I was alsways happy seeing the smile on her face. She deserved that smile. Everyone around me deserved to be happy.
-
Katulad ng dati, hinila ako ni Keizel sa isang kwarto kung saan mayroong malaking TV at isang malapad na couch. Gustong gusto niyang pinapanuod ang videos na ginawa ng Momma niya kapag nami-miss niya ito.
Aine did a lot of videos. Mula noong hindi pa namumulat si Keizel sa mundo hanggang sa nasa tabi niya na si Keizel. She never left, she never forget a day. Kung hindi video, mayroon siyang sulat sa diary niya para sa akin.
Nanghihinayang ako sa mga oras na hindi ko naibigyay sa kanila ni Keizel. Lagi kong naiisip kung paano siya nahirapan. Kung paano siya napagod. Nakakatulog pa ba siya sa pagsasabay ng trabaho at pag-aalaga kay Keizel? Kumakain pa ba s'ya ng sapat ng mga panahong 'yon? Paano kapag nagkakasakit siya?
Kung alam ko lang... hindi ko siya hahayaang mahirapan, mag-isang magpalaki sa anak naming dalawa.
Marahan kong hinaplos ang buhok ni Keizel na nakahiga sa lap ko.
Mahal na mahal niya ang Momma niya. Who would not? It was evident in the videos that she was very caring, very loving mother. The first time I watched her video, naisip ko na swerte ako kasi maganda siya, bukod do'n, she was very talented, mukhang matalino, mukha siyang mabait and strict at the same time. I actually couldn't believe na asawa ko pala siya at may anak akong napaka-gandang kamukha niya.
Gustong gusto ko siyang pasalamatan sa pagiging mabuting ina sa anak naming dalawa.
Ilang saglit pa hindi ko namalayan na nakatulog na ako.
"Where are you going?"
"Aalis ako," malamig na sabi nito.
"Tell me what's wrong. Don't f*****g make me think of your actions," madiing sabi ko.
Marahas nitong binawi ang braso ko sa kanya, "Akala mo hindi ko iniisip ang mga actions mo? Na minsan okay, minsan hindi, minsan parang importante ako at minsan parang hindi?"
Tuloy-tuloy sa pag-agos ang luha nito. Napalamukos ako sa mukha.
"You just stood there and let her say those things!"
"Anong gusto mo? Patulan ko ang kabaliwan niya?"
"Hindi mo ba siya pinatulan? Ilang beses na ba kayong nagkita? I'm not stupid, Kier."
Umalis ito sa harap nito at nagpatuloy sa pagkuha ng mga damit ko sa closet. Narinig ko ang marahas na buntong hininga nito.
"Saan ka pupunta?" Malamig na tanong ko. Hindi ito sumagot. "Sasama ka kay Kevin?"
I hated that she was ignoring me. I hated that I could not get any answer from her.
"Answer me!" I shouted.
"No. Bakit ba lagi na lang natin siyang kailangang i-involve sa lahat ng bagay about us?" hindi makapaniwalang sabi nito.
"Then what? Tell me why you are leaving."
"I... I just want to sort things out."
"Sort what?" inis na tanong ko.
"I just hate this feeling. Bakit hindi mo na lang sabihin sa akin kung kailan tayo matatapos? Hindi 'yung- hindi 'yung ganito na I'm investing too much sa isang bagay na hindi ako sigurado."
Nagtangis ang bagang ko habang nararamdaman kong nagsisimulang mag-apoy ang mga mata ko.
"For what? Para alam mo kung kailan ka babalik sa kanya?"
"Para alam ko! Para alam ko kung kailan ka aalis- kung kailan darating 'yung taong hinihintay mong bumalik na hanggang ngayon mahal na mahal mo pa rin!"
"We don't have to talk about her," madiing sabi ko.
"That's it. You don't always want to talk about her. Nakikita mo ba kung bakit gusto kong lumayo? Do you even know na ayokong maramdaman lahat ng 'to dahil wala naman akong karapatan? Dahil hindi mo naman ako pinakasalan para maging asawa mo, para magselos o mahalin ka. I shouldn't care but I care so much! I care so much because I love you."
Hindi ko nakuhang sumagot sa sinabi nito. I didn't know what to say. Ang alam ko lang ay malakas na kumakabog ang dibdib ko.
Nanatili akong nakatingin sa mga mata niya because she said it like she meant it.
Kusang umiling ang ulo ko.
"You don't love me.. You should not love me..."
Hindi ko alam kung saan iyon nanggaling. Nakita ko kung paano gumuhit ang kirot sa mga mata niya. I felt a pinch in my chest nang makita ko ang isang butil ng luhang nalaglag sa pisngi niya.
"If only I could teach my heart who to love... sana hindi na lang ikaw..."
And those words from her broke my heart.
"Kier..."
"Not Kier." Sagot ko.
"L-Love," She said.
That's it. I love the way she calls me by my name but I love it more the way she calls me love.
"Love..." I again heard it in my ears.
"Love..." I heard someone.
Napadilat ang mga mata ko.
"Love..." hinihingal na sabi ko. My heart was still beating fast.
"Are you okay? Pinagpapawisan ka." Nag-aalalang tanong nito at marahang pinahid ang pawis sa noo at pisngi ko.
Napalunok ako. Damn, I was seeing a different woman from my dreams and woman in front of me right now.
Tumingin ako sa TV. Nakapatay na iyon pero nakaunan pa rin si Keizel sa lap ko.
Pinilit kong iwasksi ang paulit-ulit na panaginip na iyon.
Dinala ko si Keizel sa kwarto niya. Marahan kong hinalikan ang noo nito bago ako lumabas ng kwarto nito.
Kinabukasan, maaga akong bumangon at nagtungo sa kusina. Kabababa ko lang ng isang baso ng alak sa mesa dahil katatapos ko lang inuman iyon nang may marinig akong nagsalita.
"Mukhang hindi ka nakatulog at malalim ang iniisip mo."
Napatingin ako kay Nanay. Hindi ko namalayan na nakapasok na pala ito sa loob ng kusina.
"Naunahan mo pa akong bumangon, alas-cuatro pa lang, may gusto ka bang kainin?"
"Salamat, Nay." I answerd casually.
Nagtungo ito sa ref at pagsara no'n ay may dala na siyang isang pitchel ng tubig at kumuha siya ng isang baso. Nilagay niya iyon sa harap ko.
"Masyado pang maaga para sa alak. Baka magkasakit ka n'yan."
Hindi ako sumagot. Kinuha ko ang baso ng alak at uminom doon. Kinuha ni Nanay ang silya sa tapat ko at umupo doon.
"May probelma ka ba? Wag kang mahihiyang magsabi sa akin, anak."
Tumingin ako sa kanya at wala sa loob na tumango. Muli akong uminom ng alak emptying the glass.
"Nay," tumingin ako sa kanya, "minsan po ba nasaktan kayo ng sobra na parang gusto niyo na lang mawalan ng alaala?"
Saglit itong napatitig sa akin pagkatapos ay dinala nito ang kamay sa ibabaw ng kamay ko.
"Nasaktan na ako ng sobra, anak, pero hindi ko kailanman naisip na mawalan na lang ng alaala para makalimutan ko lahat ng sakit na naramdaman ko."
~(RUSSELYN SANDOVAL POV)
Binukasan ko ang pinto ng kwarto ko dahil sa sunod-sunod na katok doon.
Pumasok si Ate sa loob ng kwarto ko. Nang maisara ko ang pinto at agad itong nag-salita.
"Is she still asking things about Keizel?"
Even she didn't mention a name, kilala ko kung sino ang tinutukoy niya. Kailan lang ay napapadalas akong umuwi ng Pilipinas dahil sa mga businesses na kailangan kong asikasuhin.
"Yeah... actually madalas siyang magtanong, but katulad ng sabi mo, I give her less info."
"Good. We're going back to the Philippines soon. Maybe it's better kung walang idea ang mga Santos na nasa Pilipinas tayo."
"Oh, what if malaman nila?"
"Then we have nothing to do about it. No matter what happen sa atin mapupunta si Keizel."
"Eh, Ate, akala ko ba sa Pinas na tayo titira at sa Pinas na mag-aaral si Keizel? Patapos na nga ang construction ng Sanville. Nakapag-air na tayo ng advertisement on national TV. Hindi ba iyon ang plano noon pa?" Tumaas ang isang kamay ko sa ere, "So what do you mean na hindi dapat malaman ng mga Santos? What? We're gonna play hide and sick? Is that it?"
She sighed, "I already talked to Kier about going back to the Philippines and mukhang wala siyang planong mag-stay sa pinas. He told me they will go back here after my wedding."
"Why? Did he tell you why he suddenly had a change of mind?"
She shook her head, "It's his life. Kung gusto niyang mag-stay dito sa London with Therese and Keizel wala tayong magagawa."
Ako naman ang napabuntong hininga.
"Don't you think kailangan na nating i-explain sa kanya lahat ng nangyari? Simula umpisa bago pa siya maaksidente. Sabihin na natin sa kanya lahat bago niya pa malaman o marinig sa iba sa pinas."
I knew she was also bothered pero most of the time talaga hindi ko rin alam kung anong nasa isip niya.
"No. It'll just complicate everything. Hindi basta basta lahat ng nangyari sa kanya and even between him and Zen. Kung sasabihin natin sa kanya lahat, posibleng magalit siya sa sarili niya, kung hindi sa sarili niya baka kay Zen. It's better kung... hintayin nating... bumalik ang alaala niya."
"Okay, so we're gonna wait until forever? That's cool." I said sarcastically and rolled my eyes.
~(KIER JOYVE SANDOVAL POV)
Nasa malaking gate pa lang kami ng Hacienda waiting for it to open ay halatang excited na ang anak ko. Abot ang tingin niya sa labas ng bintana ng limousine na sinasakyan namin.
Tila naghihintay lahat ng trabahador sa pagdating namin. They were busy staring at me na parang nakakita ng isang malaking multo.
I was happy to see them but more than that I was happy to see my daughter happy.
Nang makarating, nag salo-salo kami sa isang malaking tanghalian.
"There's a lot of trees!" Halata ang tuwa at excitement sa mga mata nito.
Napangiti ako. Pinahid ko ang gilid ng labi niya marahil galing sa spaghetti na kinain niya.
"Can we go around, daddy?"
"Tomorrow."
Nangislap ang mga mata nito, "Yehey!"
Napangiti ako. Nagtatakbo na ito at muling pumunta kung saan nakalagay ang mga pagkain.
"She's very happy." Nakangiting sabi ni Therese habang nakatingin kay Keizel.
I wrapped my arm around her waist while looking at my daughter.
Pumasok kami sa loob ng Mansion, nilapit sa akin ni Nanay ang isang matandang naka-upo sa wheelchair.
Naalala ko ang mga kwento ni Russ tungkol sa kanya pati na rin ang mga litratong pinakita niya sa akin noon.
Bahagya nitong tinggal ang likod sa pagkakasandal at tiningala ako.
"Ka-guwapo namang bata, ay kanino ka bang anak?"
Nagmano sa kanya si Therese at umupo naman ako sa harap niya. Kinuha ko ang isang kamay niya at hinaplos ito. Halatang halata na sa mukha nito ang katandaan.
Hinaplos ni Nanay ang balikat nito, "Mang, si Kier ho 'yan."
"Si Kier? Wala na si Kier." Sabi nito habang nakatingin kay Nanay.
"Tingnan niyo hong mabuti, si Kier ho 'yan, Mang. Ang alaga niyo."
Muli itong bumaling sa akin. Hindi ko alam kung bakit nag-iinit ang mga mata ko. Dinala nito ang kamay sa pisngi ko.
"Oo nga... si Kier. Si Kier ang makulit kong alaga." Humagikgik ito at yumakap sa akin. Hinaplos nito ang likod ko, "Eh teka..." humiwalay ito sa akin at tumingin kay Therese. Tinuro niya ito. "Sino ba iyang kasama mo? Si Zen ba 'yan? Mukhang hindi."
"Si Therese po, Mang. Girlfriend ko."
Therese smiled at her. Humagikgik naman si Mang at bumaling sa akin.
"Ikaw talaga..." humawak ito sa balikat ko, "hindi ka pwedeng maghanap ng ibang nobya, magagalit ang asawa mo. Masama 'yan, hindi ka dapat nangangaliwa, lagi kitang pinapaalalahanan. Ikaw talaga." Anito at muling humagigik.
Nag-angat ako ng tingin kay Nanay. She suddenly looked uneasy.
"Uhm, magpahinga na kayo. Ibabalik ko na rin si Mang sa kwarto niya."
Tatayo na sana ako pero nilagay nito ang isang kamay sa ibabaw ng kamay kong nakahawak sa isang kamay niya habang nakangiti sa akin.
That smile...
Ramdam ko namang tinanguan ni Nanay si Therese at iniwan nila kaming dalawa ni Mang.
Matagal itong nakatitig lang sa akin habang may ngiti pa rin sa mga labi.
"Akala ko'y hindi na kita makikita. Mabuti at nandito ka at gagaan na ang pakiramdam ko."
Pinilit kong bigyan ito ng matipid na ngiti.
"Alam mo ba, laging nagpupunta dito si Zen, hinahanap ka. Bakit saan ka ba nagpupunta? Bakit pinaghahanap ko ang asawa mo? Kawawa naman. Dapat hindi mo iniiwan ang asawa mo mag-aalala 'yon sa'yo."
Gusto kong marinig ang ano mang ikukwento niyo tungkol man iyon sa kahit saan. Gusto ko siyang marinig hanggang may pagkakataon akong marinig siya.
"Zen?" I asked.
Tila hindi nito narinig ang sinabi ko.
"Nalulungkot ako. Ayaw nilang papasukin si Zen, wala ka, sabi patay kana raw." Tumawa ito, "pero nandito ka, ang pogi pogi. Sinabi ko na nga ba hindi ka patay, hindi ka aalis ng hindi ka nagpapaalam sa Mang mo. Nalulungkot ako. Malaki ang bahay, pero wala ang mga anak ko. Hindi ako makalakad hindi ko masaway si Kier, si Brent, at si Jade, siguro ay nakipagbasag ulo na naman iyong si Gabe. Hindi ko na matanaw."
Malayo ang tingin nito. Naramdaman ko ang kirot sa dibdib ko. Ang sabi ni Nanay ulyanin na raw ito.
"Anong oras kaya sila uuwi?"
Tumingin ito sa akin, "Nakita mo ba sila?"
Hinaplos ko ang buhok nito.
"Daddy!"
Napatingin ako sa anak ko na tumatakbo palapit sa akin.
"Daddy..." kumapit ito sa akin na may luha sa mga mata.
"Aine. Saan ka galing? Bakit umiiyak ka?" Hinawakan siya ni Mang sa braso pero agad umiwas ang anak ko at sumiksik sa akin.
Pinunasan nito ang luha gamit ang braso niya at tumingin kay Mang.
"Who is she? Why is she calling me by my Momma's name, daddy?"
"She's your lola."
Tumingin ito kay Mang at muling bumaling sa akin.
"Daddy, My knee. It hurts."
Inangat ko ang laylayan ng dress niya at nakita ang sugat sa tuhod nito.
"I told you to be careful, right?"
Bumaliktad ang ibabang labi nito.
"Shhh, We'll treat your wound. Don't cry."
"Huwag kang umiyak." Hinaplos ni Mang ang buhok nito.
She looked so scared. Hindi talaga siya sanay sa ibang tao. I just smiled at her reassuring her that she has nothing to worry about.
Pinagpahinga na muna ni Nanay si Mang. Pumunta naman ako sa living room para sundan si Keizel doon.
Sumandal ako sa pader habang nakatingin kay Therese, Russ at sa anak ko na nakaupo sa couch.
"No. I don't want you to treat my wound!" Sigaw nito kay Therese.
Bumuntong hininga ako.
"Your knee has to be treated, if not, an airplane would come out from there." Tinuro ni Russ ang sugat nito sa tuhod.
My daughter looked so scared. Ganu'n pa man, nawala rin iyon agad.
"Why? My knee is not an airport!"
I chuckled ganu'n na rin si Russ at si Therese.
"Go, just let her treat your knee. Do you want that to get infected? If you don't let her treat that, you would not be able to walk anymore because the bacteria would slowly eat your whole knee..." tinuro ni Russ ang tuhod nito pataas sa hita nito, "up to your legs until-"
"Fine!" Bumaling ito kay Therese, "but my Momma is still the best doctor."
Muli akong napabuntong hininga. Therese nodded. Tumingin sa akin si Therese bago niya gamutin ang sugat ni Keizel smiling a little at me.
Wala akong masasabi sa patience niya sa anak ko. Alam kong mahal niya si Keizel katulad ng pagmamahal niya sa akin. Every time I would look at her naiisip ko kung gaano niya ka-deserve maging masaya sa kahit anong paraan.
She's really someone to keep.