THIRD PERSON’S POINT OF VIEW “MOMMY pabukas po ako nitong fries.” Malambing na pagbababy ni Voltaire sa kaniya. Napangiti si Celine sa kaniya at kinuha ang lalagyanan ng fries saka niya inilagay sa maliit na container upang budburan ng Cheese flavor na powder para masarapan ang bata pagkain. “Huwag mong ubusin ang lahat ng ito kasi marami pa at hindi din healthy to baka magkasakit ka rin katulad ni Mommy.” Bilin niya sa bata, tumango naman ito at maligalig na hinintay na matapos ang pag-shake sa kaniyang fries. Mahigit isang taon na ang lumipas mula ng dukutin siya ni Vincent para maging si Celine. Ngayon, Si Janine ay matagumpay niyang nagawa na Celine. Kilala na siya bilang si Celine Thraia Green, asawa ni Troy Emmanuel Green na isang matagumpay na businessman sa Hawaii. Inilagay ni

