JANINE GONZALES' XIAN'S POINT OF VIEW PAHIKBI-HIKBI na lang ako sa isang sulok kama, hindi dahil sa ginawa ni Lucian kung ‘di dahil sa mga bagay na ‘di ko kayang gawin. Naiinis ako kasi lahat ginawa niya para sa akin tapos ako, hanggang dito lang ako. Hindi ko siya mapaglaban kay Vincent. The only way to protect him is to leave him, at ngayon kailangan ko na siyang iwan. Kailangan kong tumupad sa usapan para hindi nila saktan ang lalaking mahal ko. Hinalikan ko siya sa labi niya at saka ko siya niyakap sa huling beses, sa huling pagkakataon. “Lalayo lang ako para ‘di ka mawala sa akin, para ‘di kayo masaktan ni Kaizer. Kayanin mo nang wala ako. Mabuhay ka ng wala ako. You don’t deserve me at all.” Hinalikan ko ulit siya, pagod na pagod siya sa mga nangyari kahapon. Nag-ingat ako na hu

