JANINE GONZALES XIAN'S POINT OF VIEW THIS IS IT. Alam mo ‘yung pagkatapos ng sandamakmak na challenges, finally makakahinga ka na ng maluwag ha? Yung sigurado ka na, wala ng magiging pahirap sa happy ending mo. Oo, ganito kami ngayon ni Lucian. Matapos ang binyag ng triplets inayos na namin ang kasal namin. We want it to be simple yet siguradong matutuloy na. Ito na ‘yung huling stage para makapunta na kami sa forever na happy ending para sa amin. Ito yung final escape namin para makarating sa aming paraiso. Nakatingin ako sa salamin habang hinihintay ang pagsisimula ng kasal ko. Isang oras na lang at magsisimula na para tuloy akong first time bride dahil sa kaba na nararamdaman ko. Alam mo yung napaka-excited ko dahil finally, We will start a new journey with a quiet life, yung finally

