SAMANTHA AIDEN CARBONELL __ 3 Years Later "M-may nagawa ba akong mali? May hindi ka ba nagustuhan?" Sandali akong tumingin sa kaniya bago ako marahang umiling. "You're not the problem... it's just that... I don't think I'm ready." Nabalot ng lungkot at disappointment ang mukha nito. "Just tell me kung anong gusto mo... I can try to be better. Sam, I really like you." Humugot ako ng malalim na hininga. "I just want you to stop. I'm sorry." Inatras ko na ang silya ko at kinuha ang handbag ko. Hindi pa ako tuluyang nakakahakbang palayo nang tumayo ito sa harap ko na puno pa rin nang pakikiusap. "Can I hug you, please?" Hindi ako sumagot. Hinayaan ko lang itong yumakap nang mahigpit sa akin at ako na rin mismo ang lumayo sa kaniya nang tumatagal na iyon. "I have to do work now. I h