GUNNER REKKER ROSS __ "Fuck... kapag minamalas ka nga naman..." mahinang bulong nang makita kong basag-basag na ang ginagamit kong cellphone pagkatapos kong makipaghabulan sa pulis kanina. Nalugi pa ako sa pagkaing ninakaw ko. Too bad. Kumain ako sandali bago lumabas ng bahay para magpunta sa pinaka-malapit na computer shop. Hinanap ko ang bagong news tungkol sa Duke na iyon. He was losing money after his company went bankrupt last year. Isang taon at kalahati na siya sa kulungan. I was just waiting for the right time to attack. Umalis din ako roon pagkatapos makuha lahat ng impormasyon tungkol sa kaniya. Kailangan kong magnakaw ulit ng cellphone. Hinintay kong dumilim bago ako lumabas. Sinuot ko ang helmet ko at sumakay sa motorsiklong ninanakaw ko rin. Nagpaikot-ikot ako sa madidi