GUNNER REKKER ROSS __ Halos paliparin ko na ang sasakyan ko habang tinitingnan ang cellphone ko. She had a lot of calls earlier. Nanikip agad ang dibdib ko. I also tried to look at her location. Nasa penthouse siya. Gusto kong kumalma at isiping ligtas siya roon. Sinubukan ko siyang tawagan pero nagri-ring lang ang cellphone niya at hindi niya iyon sinasagot. Hindi ako mapakali. Pakiramdam ko nawala agad ang kalasingan ko at nanlalamig ang buong katawan ko. Nag-park ako agad sa building at mabilis na lumabas mula sa sasakyan ko. Sunod-sunod ang paghakbang ko hanggang sa makarating ako sa lobby. I even almost jumped when someone held my shoulder. Tinabig ko agad ang braso nito. Mahinang tumawa si Enzo. "Lasing ka ba?" "Anong ginagawa mo rito?" malamig na tanong ko. "Dadalhan ko s