SAMANTHA AIDEN CARBONELL __ Tapos na ang office hours, but I stayed in the office. May mga ilang project pa akong nire-review. Hinayaan kong mauna nang umuwi si Ava so she could rest and come to work early tomorrow. Nakarinig ako ng tatlong katok sa pinto. Kusa akong napatigil sa ginagawa ko at tumingin sa direksyon niyon. "Hmm..." Willow hummed teasingly. "Disappointed." Bahagya akong napailing rito at binalik ko rin ang tingin ko sa binabasa ko. "We don't have an important thing to do for today. Bakit kaya hindi pa umuuwi si Samantha Carbonell? May hinihintay bang sumundo?" mapanukso pa ring anito habang papunta sa mesa ko. "I wouldn't wait for anyone," I answered defensively at nilipat and papel sa folder. Narinig kong tumunog ang cellphone ko. Binalingan ko agad iyon ng tingin.