Chapter 45

2344 Words

GUNNER REKKER ROSS __ Muling nagsalin ng alak ang matanda sa baso ko. "Bakit hindi kumain ng hapunan ang asawa mo?" "Hindi niya gusto ang pagkain." "Ganoon ba? Ay may iba pa akong pagkain diyan. Ipagluluto ko siya. Ano bang hilig niya?" "Don't bother. Hayaan n'yo siyang magutom. Masyado siyang maarte." Mahina itong tumawa. "Dapat lang namang maging maarte at napaka-gandang babae. Tingnan mo at parang papel ang balat. Mukhang anak ng mayaman. Kung ganiyan kaganda ang asawa ko ay siguradong iingatan ko nang maigi." Wala sa loob na tiningnan ko rin ang direksyon nito. Nakaupo ito sa couch habang nakikipagkuwentuhan sa batang alaga ng matanda. Nakuha niya rin agad ang loob nito at mukhang nagkasundo sila agad. Hindi ko nagawang iiwas ang tingin dito nang bumaling ito sa direksyon ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD