GUNNER REKKER ROSS __ Nagtagal ako sa grocery store. I thought she was already at home pero tahimik pa rin ang buong bahay. Dinala ko sa kusina ang mga binili ko at bumalik ako sa living room para tawagan ito. Hindi ko pa napipindot ang call button, narinig ko na ang sasakyang huminto sa labas. Hindi ko na ito tinawagan pa. Hinintay ko na lang na bumukas ang pinto at makita ko ito sa harapan ko. She stopped as she saw me. Hindi ko mapigilang mapatitig. She was wearing a modern beige filipiniana, showing off a bit of her chest, her curves, and her long thigh. Maayos na nakabigkis ang buhok nito sa sa isang bun and she was wearing different earrings sa iba't-ibang piercing ng tainga niya. Suot niya yin ang diamond necklace na binigay ko sa kaniya at ang bracelet ko. Ngumiti ito sa akin