Rohesia's POV Pinanonood ko si Ada habang tinuturuan siya ng kaniyang tutor kung paano magbasa. Nakakunot na ang kaniyang noo at naka-cross arms pa, hindi na natutuwa sa pagbabasa. Mas gusto niya pa atang mag-laro kaysa magbasa. Pinipigilan ko ang aking ngiti bago lumapit sa kanila. Ngumiti sa akin ang tutor ni Ada bago nagkamot ng ulo kaya naman natawa ako, understandable naman na ayaw na magbasa ni Ada dahil kanina pa sila rito. Siguro ay mag-iisang oras na sila. "Mama, no more na. Please?" bungad sa akin ni Ada. Naka-ibis ang kaniyang nguso at may luha na sa mata. Naawa naman ako kaya naupo ako sa tabi niya. Magulo na ang pigtails niya, panigurado na kamot nang kamot kanina ng ulo habang pinapabasa. "Okay po, no more na." anas ko kay Ada bago bumaling sa kaniyang tutor. "Paano ba