Rohesia's POV Kinabukasan ay agad akong dinala ni Mama sa clinic para magpa-check up. Gusto pa nga sumama ni Arjay dahil kasama si Jade, oras na rin kasi ng check up niya. Tinanong ko nga sa Doktor kung papaano ako nabuntis eh araw araw naman ako nainom ng pills. Ang isinagot niya lang naman sa akin ay "Naku, napakabilis at strong siguro ng sperm ng asawa niyo pati contraceptive pills ay naisahan." Tawang tawa si Mama habang ako ay halos magpalamon na lang sa lupa dahil sa kahihiyan. The kind doctor said that my baby is only two months pa lang, she also said that baka sa June ako manganak pero baka maging July pa raw dahil panganay ko raw ito. Bumili muna kami ng vitamins at gatas na inireseta sa akin bago umuwi. Napairap pa ako nang agad na salubungin ni Arjay si Jade at yumakap ag