Rohesia's POV "Do you want a banana milk, babe?" Ayun agad ang bungad sa akin ni Gage paglabas niya ng banyo. Pinagmasdan ko siya. Nakatapis lamang siya ng tuwalya sa pangibaba at tumutulo pa ang tubig mula sa kaniyang buhok pababa sa kaniyang dibdib. Kung hindi ko lang nakita ang message na iyon baka ay naglaway na ako sa kaniya. Tahimik akong umiling. Tinalikuran ko siya at pinikit ang aking mata, nagpapanggap na matutulog na kahit hindi pa naman ako inaantok at hindi talaga ako makakatulog dahil sa nakita ko. Narinig ko ang kaluskos sa likod ko at maya maya lang ay nasa likuran ko na siya. Hinaplos niya ang aking balikat, amoy na amoy ko ang strawberry shampoo ko sa kaniya. "What's wrong, my love?" he softly asks. Umiling ako. Umungol ako at tinapik papaalis ang kamay niya na h