NAGISING ako nang kalabitin ako ni daddy Godfrey, kaya kusot-kusot ko ang aking mga mata nang tumingin ako sa kanya. “Bakit po, daddy Godfrey?” tanong ko sa kanya, kasabay ng aking paghikab. “My grandfather called me, baby, I need to go to the company now. Would you like to come along? Oh, you need to rest here?” tanong niya sa akin. Doon ko lamang siya nakitang naka-formal attire pala siya. Napakiling ang aking ulo nang tignan ko siya. Wala kaming dalang formal attire, ha? Saan niya iyan nakuha? Ang dala lang namin ay damit na pambahay at iilang damit na pang-alis pero hindi formal wear iyon. “Sasama ako. Ayokong mag-isa rito,” saad ko sa kanya. “Wait lang po, daddy Godfrey! Liligo lang po ako,” dagdag na sabi ko sa kanya at tatayo na sana sa kama pero pinigilan niya ako. Binuhat na