NAKARINIG ako nang yapak na papalapit sa akin. Hindi ko na lamang siya nilingon at lumabas na, naghintay ako rito sa tapat ng kotse niya. Mukhang bago ang isang ito, ha? “See, hinintay mo rin ako? Nasa akin ang susi ng kotse ko,” hinihingal niyang sabi sa akin. Narinig kong tumunog ang kotse kaya bubuksan ko na sana ang backseat nito nang may magsarado ulit doon. “Hindi ako ang driver mo, Katrina. Sa passenger seat ka sumakay,” seryosong sabi niya sa akin. Nilingon ko siyang nakanganga at hindi makapaniwala sa sinabi niya. “Uulitin ko, sa passenger seat ka sumakay dahil hindi mo ko driver,” ulit niyang sabi sa akin. Binuksan niya ang pinto ng passenger seat at pinapapasok na niya ako roon. Nakatingin lamang ako sa kanya, maging siya ay tinignan din ako at nakangiti pa nga. Ayaw