NAKAUWI na kami sa bahay nila ate Kathleen. Pinapasok ko siya rito sa k'warto ko at alam naman na nilang lahat na kaming dalawa na. Kahit hindi namin sabihin ay alam na nila. “Saan ko ilalagay itong mga damit mong malilinis pa, my baby? Nakatipid ka sa damit, ha? Gabi-gabi kasi tayong walang saplot and damit ko ang gamit mo,” saad niya sa akin. Namula tuloy ang magkabilang pisngi ko sa sinabi niya. Ang siraulong ito, mabuti na lamang ay sound proof ang lahat ng k'warto rito sa bahay nila ate Kathleen. “Che! Manahimik ka nga d'yan! D'yan mo lang ilagay, okay? Maghihilamos lamang ako saglit dahil ang lagkit ko na, okay?” sabi ko sa kanya. Ngumiting tumango siya sa akin. “Sure, baby! Hetong marurumi mong damit ilalagay ko na roon sa laundry area niyo.” Tumango ako sa kanyang sinabi. In