“Daddy Godfrey, saan po pala tayo pupunta? Ililibot mo ko today, right?” saad ko sa kanya. Tinignan niya ako at hinalikan sa aking buhok. “Sa Ion Orchard or sa VivoCity. Alin sa dalawa ang gusto mong puntahan natin, my baby?” tanong niya sa akin. Napakiling ang aking ulo nang dahil doon. Parehong hindi ko alam ang mga lugar na iyon. “Saan po ba ang maganda, daddy Godfrey? And, gusto ko pong pumunta sa Merlion Park! Iyong sikat na tourist spot dito po. Gusto kong magpa-picture roon na nakanganga!” masayang sabi ko sa kanya. Mabuti na lamang ay naalala ko iyon. Sa isang app na pinapanooran ko always ko iyon nakikita. Kaya gusto kong puntahan iyon lalo na't nandito na ako sa Singapore. “Oh sure, my baby! I have an idea, puntahan na rin natin ang Garden by the bays and Marina Bay Sands,