PURO busina ang aking naririnig at isama mo pa ang ilaw na tumatama sa mukha ko. Hindi ko alam pero hindi ako makatakbo sa kinatatayuan ko ngayon. Para akong napako at hindi makagalaw. Napalingon ako sa p'westo nina Godfrey and Yago, takot sa mukha ang nakikita ko sa kanila. May sinasabi sila sa akin pero hindi ko marinig at maintindihan iyon. Pero, isa lang ang sigurado ako, pinapaalis nila ako sa p'westo ko. Pero, paano? Hindi ko nga maihakbang paalis ang mga paa ko rito sa kinatatayuan ko. Papalapit na nang papalapit ang liwanag na tumatama sa mukha, hindi na ako makakaalis sa p'westo ko, hanggang maramdaman ko na lamang na may bumangga na sa akin. Masakit. Iyon ang una kong naramdaman hanggang bumagsak ako sa semento. Nakatingin lamang ako sa langit, hindi ko maigalaw ang aking