ILANG taon ang lumipas. Sa loob ng ilang taon ay naging matibay ang relasyon namin ni daddy Godfrey. Pagkatapos grumaduate ni daddy Godfrey sa kursong kinukuha niya ay siya ang pumalit kay tito Alfred para mamahala sa company nila roon kaya lalong naging mailap ang pagkikita naming dalawa, always kaming naka-video call and maging ang make-out naming dalawa ay gano'n na rin. Kung minsan ay ako ang pumupunta sa Singapore para dalawin siya, kilala na nga ako roon sa company nila as fiancé ni daddy Godfrey. Kahit hindi pa naman siya nagpo-propose sa akin. Sobrang saya ng heart ko kapag gano'n ang naririnig ko mula sa empleyado roon. Sa tatlong taon na rin na iyon ay ang daming nagbago, iyong nililigawan ni Yago na si Nurse Mara ay going strong na sila sa relationship nilang dalawa. Sina Ka