“WHAT to do?” Isang tanong na pilit kong sinasabi sa aking sarili. Iyon talaga ang tanong na para sa akin, ano ba talaga ang gagawin ko? Nakita ko na lamang ang sarili kong nagigising na, hanggang dumilat na ang aking mga mata. “Haaah!” Hinihingal ako habang hawak ang aking dibdib. Nakapa ko ang aking pisngi, may luha roon. “Totoo ba ang mga panaginip ko? Ako si Miya Lazaro sa unang buhay ko. Second life ko ito bilang Xanthi Curtis,” saad ko sa aking sarili. Napatingin ako sa phone kong nasa side table, kinuha ko iyon at hinanap ang group chat naming apat. Nanginginig ang aking magkabilang kamay dahil sa kabang nararamdaman ko ngayon. I need to call them. I need to hear their thoughts about sa sasabihin ko. Maniwala man sila or hindi, tatanggapin ko. Kahit sabihan nila ako na baliw.

