SA NAKALIPAS na araw ay naging matatag ang relasyon naming apat, wala ng bruhang sumusulpot para sirain ang relasyon namin at agawin ang Triplets sa akin. Nasa malayo na kasi si Grace, nasa Canada pa rin siya ngayon, isang buwan na yata nang itapon siya roon. Laking pasasalamat ko na wala pang sumusulpot sa buhay namin na katulad niya. Minsan nga naaawa ako, gusto ko siyang pabalikin dito sa Pinas, pero ayaw nina mom and Lolo. Kailangan niya raw mabigyan talaga ng leksyon lalo na sa ugali niya, kaya sumunod na lang din ako. Hindi ako sa kanya naaawa, kay tito Kit na malungkot dahil ang nag-iisang anak niya ay nasa Canada. Kaya ang ginawa ko ay kinausap ko sina mom and Lolo na baka pʼwedeng makauwi si Grace kapag nag-isang taon na siya roon at once na humingi talaga siya ng sorry sa akin.