NAKAPASOK na ako muli sa room ko at naupo ako sa sofa. Tinignan ko ang parcel na binigay ni ate Helena sa akin. Nag-aalinlangan akong buksan pero may kung anong bumubulong sa akin. Kinuha ko muli iyon at inalog, may narinig akong gumagalaw sa loob. Kaya hindi na ako nag-aksaya ng oras ay sinira ko na ang box. Nakita ko ang black box nang matapos ko iyon sirain. “Black box, ha?” ani ko. Ilang beses na ba akong naka-re-receive ng black box? Huminga na lamang akong malalim at binuksan na rin ang box na ito. Halos tumigil ang paghinga ko nang makita ang pictures na nasa loob. Yes, pictures. Nanginginig ang aking magkabilang kamay nang kunin ko ang isang roon. “What the? A—ano ito?” pagtatanong ko sa aking sarili. “Isa, dalawa, tatlo... Ang daming picture at halos na sa bente ang nandi

