NAKABALIK na kami sa loob ng function hall na parang walang nangyari sa aming apat. Binalik ako ni daddy Jim sa table at nakita ko roon sina Jessi and Jaxon, kasama ang dalawang itlog, sina daddy Jin and daddy Jix. “Mommy Xanthi, saan ka pumunta? Kanina ka pa namin hinahanap po? Sabi nila daddies, nag-restroom ka raw po kasi napupupo ka po.” Sinamaan ko ng tingin ang tatlong itlog na ito. “Um, oo, eh, sumama ang tiyan ko kanina. Ang dami ko kasing kinain, lahat ng food niyo masasarap kaya tinikman ko bawat isa. Sorry kung hinintay niyo ko, ha?” nakangiting sabi ko sa kanila habang tinitignan ko nang masama ang tatlong itlog na ʼto. “Hala! Pero, are you okay na po, mommy Xanthi?” nag-aalalang tanong ni Jessi sa akin. “Yes po, Jessi, pinainom na ako ng gamot ng daddies niyo kaya hindi n