BIYERNES, nakahanda na kami nina mom and dad para sa blessing ng playground sa daycare center. Gumawa ako kagabi ng brownies and cookies para sa mga bata, parents and sa mga manggagawa na bumuo ng playground. Finally, may magpapalaruan na ang mga bata sa daycare center ngayon. Gusto ko talaga ipa-improve pa lalo ang daycare center para lalong maging comfortable ang mga bata at makapag-aral nang mabuti roon. “Darling, come on! Aalis na tayo. Excited na akong makita ang pagbabago ng daycare center mo,” nakangiting sabi ni mommy at hinawakan niya ang kamay ko. “Me too, mommy! Paniguradong ganoʼn din ang nararamdaman ng mga bata roon. Kaya, tara na po?” saad ko sa kanila at pumasok na kami sa loob ng kotse. Hindi rin nagtagal ay dumating na rin kami nina mom and dad sa daycare center