NAKARATING na rin kami sa Lazaro Academy. Pinabitbit ko kay daddy Jim ang basket ng mga pagkain namin at ang isang bag ay bitbit ni daddy Jin, si daddy Jim naman ay nangunguna sa amin. Alam ng mga tao rito ang lifestyle nila dahil halos ng mga nag-aaral na anak dito ay katulad nilang Polygamy, pero may iilan pa rin na monogamy kaya iisang daddy or mommy lamang ang kailangan sa family day. “Mommy Xanthi, siya ang friend ko here si Belinda, dalawa ang mommy niya at isang daddy po,” mahinang tsismis ni Jessi sa akin at tinuro ang batang chubby at ang parents niya ay nasa paligid niya. “Mommy, Lazaro rin ang mga iyan, but malayong kamag-anak na namin. Pinsan ni Lolo ang Lolo nila,” sabat ni daddy Jix. Napatango ako sa sinabi niya. “Um, may dalawang asawang babae rin pala?” tanong ko sa k