ISANG linggo na ang nakakalipas nang maganap ang family day nina Jaxon and Jessi. Sobra akong nag-enjoy sa family day nilang dalawa, first time kong makasali sa ganoʼn. Kapag may family day muli silang dalawa ay ako ang sasama muli. Gusto kong mag-enjoy na kasama sila. Ganoʼn pala ang feeling kapag may family, ano? Sobrang saya! Sure na ako sa tatlong itlog na iyon. Kaya hihintayin ko na lamang an mag-propose sila sa akin, pero hindi ko sasabihin at baka sabihin nila ay nagmamadali ako. Nawala ang aking iniisip nang may marinig akong kumatok, kaya binuksan ko ang intercom sa may labas. “Jevie, ikaw ba niyan?” pagtatanong ko, kung sino man ang kumakatok. “Yes po, Miss Xanthi. Si Jevie po ito, start na po ang meeting natin para sa mga partnership natin. Pinapatawag na po kayo ni Mr. Curti