MONDAY, hindi na naman ako pumasok ngayong araw dahil puyat ako kagabi. Kaya icha-chat ko si Jevie mamaya, kung may urgent akong need pirmahan. Bumangon na ako at biglang kumulo ang aking tiyan, bigla akong nag-crave sa pizza today. Pumasok na ako sa bathroom at naligo na ako, mabilis ang naging kilos ko dahil nagugutom na talaga ako. Nang makabihis na ako ay lumabas na rin ako sa aking room, low battery ang phone ko kaya chinarge ko muna. Tatawag na lamang ako sa office mamaya. “Mommy, you awake!” Nagulat ako nang makita ko sina Jessi, Jaxon, Nigel and Naxir, maging si Nene at isa sa asawa niya, nakalimutan ko kung sino ito. Kapag nakikita ko si Nene ay masaya ako dahil nakahanap din siya ng asawang aalagaan siya. Ngumiti ako sa kanila. “N—nandito pala kayo... Kanina pa ba kayo?”

