ISANG oras pa lang naman ang nakakalipas sa oras ng sinabi ko sa kanya. “Aalis na ako!” malakas na sabi ko at dinala ang backpack. “I-chat mo si mommy!” Nagpahabol pa si Jin. “I know!” sagot ko rin at lumakad na. Kinuha ko ang aking phone at pinersonal na minessage si mommy. Alam kong nagtataka na siyang kung bakit lagi ako late na umuuwi, pero wala akong ginagawa, ginagawa ko lang talagang busy ang sarili ko. Jim: Mommy, hindi na naman ako makasasama sa pagdaan sa house niyo today. May client lang akong kakausapin. But, I swear, hindi ako magloloko. Loyal ako sa iyo. I love you so much. Babawi ako, pangako. Iyon ang chinat ko at lumakad na papunta sa elevator. Nakita ko sa aking phone ang number ng Gabriela na iyon, marami na siyang text messages. “Where are you, babe? Nandito

