THREE days already nang nasa Ilocos and Cebu City sila daddies ngayon, three days na rin ang seminar nila. Ilang days na lamang ay babalik na rin sina daddy Jix and daddy Jim, then si daddy Jin ay eleven days pa, two weeks siya sa Cebu City. Nakatingin lamang ako sa kalangitan ngayon dahil maaliwalas ang langit, walang nagbabadyang ulan ngayong araw. Kauuwi ko lang din mula sa farm namin sa Rizal at dumalaw na rin ako sa daycare center. Hindi na rin ako bumalik sa company namin, pero si Jevie ay bumalik pa may need pa raw siyang tapusin sa office ngayon. Sobrang sipag niya. Minsan iniisip ko na may binubuhay na siyang mga anak niya. Single naman siya. “Hello, mga sanchi ko, dumadami na talaga kayo. Magkakaroon na rin kami ng farm sa Bulacan at kaya magdadagdag kami ng mga chickens p