LUMABAS na kami sa room ni Doctor Emily, pero sina daddy Jix and daddy Jin ay pinaiwan muna. “Mommy, pagagalitan siguro ni Doctor sila daddies, ano? Kasi stress ka nila! Bad! Bad sila!” madiin na sabi ni Jessi. Natawa kami ni mom sa sinabi niya. “May sasabihin lang siguro sila, Jessi. Kaya hintayin na lamang natin sila sa car? Pupunta pa tayo sa Mall at doon na rin tayo kakain, okay?” sabi ko sa kanila ni Jaxon. “Mommy, gutom na rin po ako.” Kalabit ni Jaxon sa akin at mahinang sinabi iyon. “Sure po, kakain tayo sa Mall pagkatapos nuʼn ay bibili ako ng new dress para hindi maipit si baby sa loob ko,” sabi ko sa kanila at lumakad na kaming apat pabalik sa kotse, sa labas na lang namin sila hihintayin. “Mommy, theyʼre back!” Tinuro ni Jaxon sina daddy Jin and daddy Jix na palapit na s

