NAKATINGIN ako sa pagkain ko ngayon. Iniisip ko pa rin ang anniversary nina Jeppy and Jasmine hetong week. Ngayong week na, Saturday by six in the evening ang start ng event. Kaya nagpasya na akong bumili naʼng gift para sa kanilang dalawa. Pero, ang iniisip ko kung naalala ba ng tatlong itlog na iyon ang tungkol sa anniversaries namin, hindi bilang boyfriend and girlfriend, ha? Kung ʼdi sa unang araw ng pagkikita naming apat. “Hey, best friend, anong problema mo? Heto na ang pagkain mong ramen! Para kang binagsakan ng langit at lupa dʼyan, ha?” Napataas ang tingin ko kay Achilles, siya ang kasama ko sa pagbili ko ng gift sa dalawa. Sila daddies kasi ay busy raw, hindi ko alam kung para saan. “Makakalimutin ba ang mga lalaki, Achilles?” pagtatanong ko sa kanya. “What the f**k! Anong

