“Ate Xanthi!” Tumaas ang aking balahibo at maging ang aking balikat nang may sumigaw sa pangalan ko. Napalingon ako at nakita ko sina Nene and Jasmine na tumatakbo palapit sa akin. Paalis na pala kami sa Lazaro Five Star Hotel, balak na naming pumunta ngayon sa Lazaro Beach Resort, pero bago iyon ay kailangan muna naming dumaan sa mga bahay namin para kumuha ng damit. “Ayos lang ba kayo? Bakit kayo tumakbo?” sabi ko sa kanila. Nakahawak sila ngayon sa kanilang tuhod habang nagtataas-baba ang kanilang balikat. “Weʼre okay po, ate Xanthi,” sabi ni Nene sa akin. “Um, nalaman namin na... Nag-propose na sila kuya sa iyo, kaya tumakbo kami pababa!” “Yes po, ate Xanthi! Nakatulog kasi kami habang pinapatulog iyong mga anak namin. Congratulations, ate... But, bakit girlfriend lang ang inal