Sumulyap ako kina Solein at nakita ko ang pagsensyas nilang pupunta sa may gitna para sumayaw. May mga pagngisi pa silang binato sa akin na alam kong nangangahulugan ng panunukso. Isa-isa na rin silang nagpaalam para sumayaw. Noong nakalayo na sila at naiwan na lamang kaming dalawa ni Calix ay doon ko pa lamang siya nilingon. “We’re just talking. They don’t know who I really am. Now, what’s your problem?” inis kong sabi rito. Dumilim man noon ang paligid ay malinaw pa rin sakin ang biglang pagdaan ng inis sa mukha niya. Mas lalo lamang akong nainis dahil doon. Kanina ayos naman ah. Hinayaan niya lang naman akong kausapin sina Solein. Pero heto na naman siya. “I’m leaving,” halos nakalabi ko pang sabi sa kaniya. Lumakad ako pero hindi niya ako hinayaang malampasan siya. He pulled m