Halos mag-alas nuebe na ng gabi nang makaalis ako ng school. Tumawag na lang ako sa bahay na sa condo ni Deon ako ulit matutulog. It was a really tiring day for us. Pabalik-balik kami sa auditorium at classrooms, akyat-baba sa entablado, halos hindi na namin magawang maupo at halos maubusan naman kami ng boses sa kakasaway sa mga estudyanteng makukulit. Sa makalawa na ang graduation, tomorrow will be our rest day, kaya tinapos na namin lahat ng dapat tapusin kanina.
Niliko ko ang sasakyan papunta sa drive-thru ng McDonald's. Gabi na at sigurado akong nakauwi na si Deon, sigurado rin akong nakakain na 'yon. Ayoko nang abalahin pa siya pagkarating ko kaya mas maiging bumili na lamang ako ng takeout. Gutom na gutom na ako, huling kain ko pa ay noong tanghalian.
Tinawagan ko ang telepono niya nang matapos ngunit walang sumasagot. I called his secretary para tanungin kung nasaan si Deon, ang sabi niya ay kanina pa ito nakaalis. Baka nagmamaneho o may importanteng ginagawa lang 'yon kaya hindi sumasagot. Mabuti na lang at may sarili akong susi ng condo niya. Binigay niya ito sakin dahil halos tumira na ako roon. Minsan kasi kapag nasa meeting siya o may importanteng lakad, he can't always attend to me every time I go there kaya binigyan niya ako para makakapasok ako kahit kailan ko gusto.
Madilim ang buong silid pagkapasok ko. It was quiet. Nagtaka ako dahil ang sabi ng sekretarya niya ay kanina pa nakaalis 'yon. He can't be outside having a great time by this hour, dahil hindi niya gawain iyon.
Hinubad ko ang sapatos at binuksan ang mga ilaw pagkatapos. That's when I found out I wasn't alone there. May nakita akong sumisilip na buhok sa handrest ng sofa, sa kabila naman ay may pares ng mga paa. Napangiti ako at lumapit doon.
He must have been tired. Hindi na niya nagawang makapagbihis o pumunta man lang sa kwarto niya para doon na magpahinga. Hindi ko nakita ang cellphone niya kaya siguro hindi niya nasagot ang mga tawag ko. Pinagmasdan ko ang mukha nito mula sa likuran ng sofa, bahagyang nakakunot pa ang noo nito, the upper buttons of his shirt were open, its sleeves were both rolled up of his elbow, nakapatong ang braso nito sa noo at ang gulo rin ng buhok niya.
Hinayaan ko na lamang siya roon at pumunta na sa kusina. Kumunot agad ang noo ko nang madatnan ang mesang hindi pa rin nalilinis. Kung paano ito nakaayos kaninang umaga pag-alis ko ay ganoon pa rin hanggang ngayon. Walang bawas ang mga pagkain at halatang hindi pa nagagalaw, malinis pa rin ang mga kubyertos at ang tubig sa babasaging pitsel ay puno pa rin.
"Cinth." Napaigtad ako at bumalikwas ng tayo paharap sa kanya, tinago ko ang plastic ng McDonald's sa likuran ko.
His eyes were piercing into mine as I noticed how his lips were slightly protruded. Napansin ko rin ang pagsilip ng malalim na pagkakaukit niyang dibdib dahil sa mga nakabukas na butones ng kanyang damit. As he slid his right hand inside his pocket, his other hand runs through his hair.
"Bakit hindi ito nagalaw? Hindi ka ba kumain kanina?"
Tiningnan nito ang mesa at dinala ang kamay para mapakamot sa kanyang batok. He chuckled playfully, but I didn't buy it. Hindi ko ramdam na totoo iyon, parang pinepeke niya lang ang ngiti sa harap ko.
"No'ng umalis ka kanina biglang tumawag yung secretary ko, eh. May emergency sa office kaya hindi na ako nakakain." Lumapit ito sa mesa at inumpisahang ligpitin ang mga pinggan.
"I’m sorry. I was too tired, hindi ko na nalinis 'to pagkauwi. Kumain ka na ba? Do you want me to cook something? I didn't know you're gonna come tonight kaya hindi na ako nakapaghanda. Siguradong gutom ka na, magbihis ka na lang muna habang inihahanda kita ng pagkain."
Sinamantala kong nakatalikod siya para pumunta sa basurahan at itapon doon ang hawak kong supot. Nilapag ko sa isang silya ang bag ko at naupo sa gilid nito. Walang sabi-sabi ay inagaw ko ang pinggan sa kamay niya. Nilagyan ko ito ng maraming kanin, kumuha rin ako ng lahat ng klase ng ulam na nandoon. I took a spoonful of those. Malamig na sila, naninigas na rin ang kanin, pero kinain ko pa rin iyon na para bang iyon na ang pinakamasarap na natikman ko.
"What are you doing? Malamig na 'yan. Pagluluto na lang kita ulit—"
"Oh ano pang hinihintay mo dyan?" Kinuha ko ang isa pang pinggan at nilagyan din ito ng kanin at mga ulam.
He stared at me like I’m a puzzle he's been dying to solve. Nginisihan ko siya. Nang hindi pa rin ito gumagalaw sa kinatatayuan niya ay ako na mismo ang humila sa kanya para maupo sa tabi ko.
"Bilis na. Ang sarap-sarap kaya nito." Kumagat ako sa hotdog bago siya tiningnan ulit.
He was looking at me, amused, nandoon pa rin ang pagtataka sa mukha niya, nagtatanong ang mata niya kung anong ginagawa ko.
Kinuha ko ang tinidor sa plato niya at tinusok sa isang hotdog, tinapat ko iyon sa labi niya at binuka ang bibig ko.
"Ah..."
Tinitigan nito ang bibig ko, tinitigan din nito pabalik ang mga mata ko pagkatapos. He released a quick air as he started laughing. Kumagat ito sa hotdog at tumawa ulit. Hindi ko pa rin inaalis ang pagkakatapat ko non sa labi niya kaya kumagat siya ulit, sa pagkakataong ito ay sinabayan na niya ng pagkurot sa magkabila kong pisngi.
"Sarap ‘di ba?" natatawa kong sabi.
"Mas masarap pala ang matigas na kanin at kumukulubot nang hotdog."
"HOY!" I snapped as I slapped him on his arms.
"Ano? Ikaw kung ano-anong iniisip mo dyan." Tumawa ito at binawi na ang tinidor.
"Syempre hindi na fresh yung hotdog eh, kaninang umaga pa 'to kaya natural lang na kukulubot." Pinanliitan ko siya ng mata habang may makahulugang ngisi sa labi. Alam kong nababasa niya kung ano ang nasa isip ko.
"Ikaw Cinth, napakadumi ng utak mo."
"Aba! Sino kayang nag-umpisang magkwento tungkol sa makulubot na hotdog?" Pailing-iling itong tumatawa habang naglalagay sa kutsara ng kanin at ulam.
Hindi ko naiwasang mapangiti habang pinapanood siyang kumain ng malalamig na pagkaing iyon. Aaminin kong hindi na maganda ang mga lasa ng pagkain dahil kaninang umaga pa ito, alam kong iyon din ang naiisip niya. Pero niluto niya ito para sakin kaya dapat kainin ko. And to see him grinning and chuckling while eating his cold dinner too, alam kong masaya rin ito.
Kinuwento ko sa kanya ang nangyari sa buong araw ko, mula nang pumunta ako sa San Joaquin hanggang sa makabalik. Naghintay akong pagsabihan na naman ako nito tungkol sa paglalagay ko ng sarili ko sa kapahamakan ngunit nanahimik lang siya, hindi siya masyadong nagbigay ng komento—which is new to me. Mga pagtango niya lang ang natanggap kong sagot, parang hindi ito interesado nang banggitin ko ang nakita kong postura ni Calix kanina. He just continued eating. Nang magkwento ako tungkol sa nangyari sa eskwelahan, doon ko lang ulit nakuha ang buong atensyon niya.
"Uuwi ako bukas sa amin. Gusto mong sumama?" tanong ko nang pareho na kaming nakahiga sa kama, handa na para matulog.
Tumagilid ito ng higa para harapin ako. Ang tanging bukas na lamang na ilaw ng mga oras na iyon ay ang lampara sa gilid kong cabinet kaya naman nagagawa ko pa ring matanaw ang mga mata niyang nakatitig sakin. I could see he was already sleepy dahil sa pamumungay ng mga ito. But he remained looking at me and giving me his full attention.
"I'll see. If I have time, I'll drop by." Tumango lang ako at inayos ang kumot.
"Pupuntahan mo ba siya ulit bukas?"
"Kung magte-text si Hendrix tungkol sa pinagkakaabalahan niya, pupuntahan ko siya."
"Paano kung hindi?" Napatingin ako sa kanya. His eyes felt like it was desperately seeking for an answer.
"Edi hindi rin." Hindi ito sumagot at nanatili lang na nakatitig sakin. Ilang segundo ang lumipas ay tumihaya ito ng higa, tumitig ito sa kisame na tila may malalim na iniisip, natanaw ko ang pagtaas-baba ng kanyang Adam's Apple. Tinitigan ko lang siya habang hinihintay na humarap ulit sakin.
"Then can we go have dinner together tomorrow?" Napaangat ang isang kilay ko na parang tinatanong ito kung seryoso ba siya.
Halos walang dumadaang araw na hindi kami nagkikita at nagsasabay sa pagkain. Sa lahat ng pagkakataong nagkasabay kaming kumain, ni minsan hindi ito nagtanong kagaya nito, we just happen to eat together accidentally, unplanned and unexpectedly, like it’s just an ordinary and usual thing for us to do. Kagaya ng nangyari kanina na parang normal na bagay na lang iyon para sa aming dalawa. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit itinatanong niya pa ito ngayon.
"Kailangan mo pa ba talaga itanong 'yan?"
Tumaas ang gilid ng mga labi nito, tila nakuntento na sa isinagot kong iyon. Hinarap na naman nitong muli ang kisame at tumitig na parang may napakagandang bagay doon na siya lang ang nakakakita. Saglit ko pa siyang tinitigan nang hindi pa rin bumababa ang isang kilay.
"Good night," he said, half-grinning.
~*~
"Hello, baby girl." Nanggigigil kong kinuskos ang magkabilang pisngi ng pusa naming si 'Nildy'.
Ito agad ang sumalubong sa akin nang buksan ko ang pinto ng bahay. Kulay puti ito at napakahaba ng balahibo. Hahalikan ko pa sana ang tuktok ng ulo nito nang bigla na lamang siyang umangil at nilabas ang mga pangil niya.
"Bad kitty! Bad!"
"Anak!" Inangat ko ang tingin sa nagsalita. Ang there I saw my mom smiling nonchalantly. Kabababa lang nito ng hagdanan dala-dala ang kanyang bag at base sa kanyang suot, hula ko ay aalis ito. Lumapit ako sa kanya at humalik.
"Oh, ma. Good morning."
"Hindi mo kasama si Deon?"
"May trabaho 'yon, 'ma."
Tumango ito at pagkatapos ay binuhat nito si Nildy papunta sa sofa. Napabusangot ako nang makitang hindi man lang pumalag ang pusa sa kanya, kalmado itong humiga sa kandungan ni mama, samantalang sa akin galit na galit ito kanina.
"Siya nga pala anak, naaalala mo ba si Mayor Consolacion? Yung Mayor ng San Joaquin."
Naalis ang kaisipan ko kay Nildy dahil sa pagbanggit niya ng 'San Joaquin'. Tila biglang napanting ang tenga ko. Nanghihiwaga akong napatitig sa kanya. I still remember Mayor Consolacion. Since mom was originally from San Joaquin, she had made herself famous in that town after successfully launching her clothing line. Naaalala ko pa noon na lumapit si Mayor Consolacion kay mama para magpatulong sa pangangampanya noong nakaraang eleksyon. At simula pa noong kabataan nila ay matalik na magkaibigan na rin sila ng asawa ni Mayor.
"Bakit po, 'ma?"
"Birthday ngayon ng asawa niya, si Tita Emily mo. Inimbitahan tayo para sa party nila mamayang gabi."
"And?"
"Kaso may dinner meeting ako mamaya at hindi rin pwede ang papa mo. So I’m asking you to go instead. Pwede ka ba mamaya anak?"
If it's the mayor of San Joaquin's wife, posible kayang imbitado rin si Calix?
Inabot ni mama ang isang kulay pulang sobre na nakapatong sa maliit na mesang nasa harapan niya. Habang karga-karga niya si Nildy ay lumapit ito sakin para ibigay iyon.
"Here's the invitation anak. I'll just arrange an appointment to our stylist. Ipapadala ko na rin ang isusuot mo. Just send them my regards and greetings later, naipadala ko na rin kahapon ang regalo natin so you don't have to worry about it anymore."
Bumagsak ang tingin ko sa silyadong sobre na hawak ko na ngayon. Hindi mawala sa isip ko ang kaisipang posible ngang dadalo rin mamaya si Calix. Mayor iyon ng San Joaquin, hindi malabong alam niya ang tungkol sa hidden compound ni Calix. Hindi nila makukuha ang ganoong kalaki at pribadong kalupaan nang hindi dumadaan sa kanya. Malakas ang pakiramdam ko na may alam si Mayor tungkol doon. Kung hindi man sabwatan sa mga illegal na gawain ni Calix ay malamang nagsisilbi itong protektor niya mula sa mga mata ng mga tao roon.
"Anak, nandito ka na pala." Lumihis naman ang tingin ko sa lalaking kabababa lang din ng hagdanan.
Nakita ko si papa na kagaya ni mama ay nakabihis din ng pang-opisina. Dala-dala nito ang itim niyang briefcase at sa kabila naman ay ang kulay itim niyang tuxedo jacket. Lumapit din ako sa kanya para humalik.
"Ayos lang ba sa'yong ikaw na lang muna ang pumunta mamaya?"
"Oo naman, 'pa." Ngumiti ako. Tinapik niya ang balikat ko at gumanti rin ng ngiti.
"Kung ganoon, aalis na kami ng mama mo, anak. Give us an update later, okay? I'll call you." Tumango lang ako.
Nagpaalam na rin silang aalis na pagkatapos. Pinanood ko silang maglakad papunta ng pinto kahit wala naman sa kanila ang isip ko. Lumilipad pa rin ang kaisipan ko tungkol sa party mamaya. I can't help but wonder if Calix will be there too. Wala pa akong natatanggap na mensahe galing kay Hendrix kaya hindi ko pa alam ang sagot doon.
"By the way, anak." Napakurap ako nang tumigil sila sa paglalakad at nilingon ako. Papa looked serious all of a sudden.
"As the Mayor of San Joaquin, Santiago might be someone close to the De Varga's." Napalunok ako sa sinabi ni papa. I didn't see it coming, I mean, not from him. Bigla nalang akong kinabahan.
"Calix might be there at the party later so be careful." His eyes went piercing, ngayon ay nagbabanta na ito bilang isang ama. "I'm warning you, Hyacinth, don't ever get close to that man."
I could see myself becoming pale. Mas natatakot yata akong malaman ni papa na nakikisangkot na ako sa mga De Varga kaysa sa makita ako mamaya ni Calix. I completely know how dad would react if he ever discovers about this. Alam kong magagalit siya sakin, I know he will hate me for defying his rules. Kaya ang marinig ito mula sa bibig niya ngayon ay mas nagpapakaba sa akin lalo.
"O-Of course." Nilunok ko ang nakabara sa aking lalamunan at pilit na ngumiti. "I wouldn't do anything stupid, Pa." With that, he nodded, contented of what he has heard from me.
Nang magsaradong muli ang pinto ay doon lang ako napahinga nang maluwag. Naging mabigat ang paghinga ko at pakiramdam ko ay pinagpawisan ako bigla ng malamig. I really hate lying to him, especially if it's about the De Vargas. Pero wala naman akong ibang choice kundi ang gawin 'yon, if I won't, masisira ang plano ko, masasayang ang mga effort ko, at higit sa lahat madudulas sa mga kamay ko ang pagkakataong mahanap ang pumatay kay Lucas.
I nervously opened the red envelope. Halos mapunit ito dahil sa pagmamadali kong mabuksan ito. Nakasulat doon ang lahat ng tungkol sa party. It's a masquerade party. Tahimik akong nagpasalamat dahil hindi na magiging mahirap ang pagtatago ko kung sakaling dadalo nga siya mamaya. Gaganapin ito sa isang sikat na hotel sa syudad mamayang alas syete ng gabi.
I searched for my phone in my pockets. Nang mahanap iyon ay hinanap ko agad ang numero ni Hendrix at tinawagan. I waited for several seconds ngunit hindi ito sumasagot. When I rang his phone again, I heard consecutive beeps, pinatayan ako ng tawag ng kumag. I bit my lower lip as I threw myself onto the sofa, aggravated by what he's doing. Mariin akong nagtitipa ng text nang makatanggap na ako ng mensahe mula sa kanya.
From: Hendrix
I don't remember allowing you to call me.
Napasinghap ako dahil sa inis sa sinabi niya. Mas madali at maayos nga itong kausap kesa sa kapatid niya. Pero kung sa kagaspangan lang ng pananalita at pakikitungo, higit na lumalamang naman ang isang 'to. At least, Calix praised me the first time we met but this guy, bossing na bossing kung pakitunguhan ako.
To: Hendrix
You gave me your phone number, that's technically allowing me to either call or text you.
From: Hendrix
I only told you I’m gonna send you a message when I got updates. I didn't say you're allowed to do whatever you want.
"Baka gusto mong isaksak ko sa ngalangala mo ‘yang number mo. Ang OA nito. Artista ah!" asik ko rito habang tinititigan ang pangalan niya sa screen. Hindi ko naman masasabi ito kapag nagkaharap kami kaya ngayon ko na ginagawa.
To: Hendrix
Ganoon po ba kamahalan? Ipagpaumanhin niyo po ang aking sinasabi.
From: Hendrix
Anong kailangan mo?
Napahagikgik ako nang mabasa ang reply niya. Marunong palang magtagalog 'to? Akala ko dolyar ang dila nito dahil kung kausapin ako parang banyagang hindi pa nakakatikim ng sinigang.
To: Hendrix
Kaarawan ngayon ng mayor ng San Joaquin. We got invited so I was wondering if Calix would be there too.
Hindi ko inalis ang tingin sa screen ng phone ko habang naghihintay ng reply niya. I don't know why my chest suddenly started throbbing, parang hindi ako mapakaling naghihintay doon, mabilis na pinipindot ang screen sa tuwing napapatay ito. Ilang minuto ang lumipas bago ko natanggap ang sagot niya. Napasinghap ako nang mabasa ito.
From: Hendrix
Yes. He is coming.
It was as if the palpitation in my chest has reached its limit, tuluyan nang bumagsak ang buo kong katawan sa may sofa. I stared at the high ceiling blankly. Iniisip ko ang mga posibleng mangyari mamaya o kung ano kaya ang matutuklasan ko mamaya. I already had a hunch that it will be an illegal transaction between the mayor and Calix or with someone else. Hindi na ako magugulat kung ito nga ang matutunghayan ko mamaya.
But the other half of me was scared to witness anything or even see him again. Alam ko kasing kapag nakita ko siya ulit at mapatingin sa mga mata niya, maaalala ko lang ulit ang nakita kong itsura niya kahapon. Iyong mukha niyang napakalungkot, ang mga mata niyang nagluluksa. I suddenly became scared of seeing it, baka kasi bigla akong higitin pabalik ng emosyon ko at pigilan sa mga plano ko. Ayokong makaramdam ng awa sa kanya, pero kapag nakita ko pa ulit ang mukhang iyon, alam kong hindi ko na magagawa pang pigilan ang sarili ko para maramdaman nga ito.
Alas singko ng hapon nang dumating ang aming personal hair and make up stylist. She's Elizah, already in her late 20's. Siya ang laging nag-aayos sa amin sa tuwing may mga ganitong pagtitipon o okasyon kaming dinadaluhan. She's in her usual getup, just a denim jeans and a T-shirt. Tinulungan ko ito sa mga dala niya nang paakyat kami ng kwarto para doon niya na ako ayusan.
"Kanina pa dapat ako nakarating dito kaso naligaw ako sa mall habang hinahanap ang boutique niyo roon," sambit nito habang binubuksan ang isang paper bag na may nakaimprintang pangalan ng clothing line ni mama.
"Lumipat kasi kami dahil nirenovate nila yung dati naming pwesto. Sana tumawag ka para ako na lang ang kumuha nito roon. Naabala ka pa tuloy."
"Ayos lang naman. Sobra pa nga yung binabayad niyo sakin tapos uutusan pa kita?" Bumungisngis ito.
Sa loob ng paper bag ay isang kahon. Binuksan niya iyon at pareho kaming namangha sa itsura ng damit na nakapaloob dito. Mom personally designs all of her gowns and dresses, sa ibang klase ng damit ay kumukuha siya ng ibang designers para doon. And this one, hindi ko pa ito nakikita kaya hula ko ay bagong disenyo niya ito at ako ang unang makapagsusuot nito.
It is in the color of glittery silver. It has a body hugging halter top and flowy hem with a high slit at the right side that could almost reveal my whole thigh. Napangiwi ako nang matanto kung gaanong nangingibabaw ang itsura nito. The last thing that I want to happen tonight is to be noticed by Calix. Iyon ang pinakadapat na iwasan kong mangyari mamaya pero sa itsura ng gown ko, mukhang malabo nang mangyari iyon.
"Ayaw mo ba nito?" Elizah asked upon noticing my expression.
"Hindi, gustong-gusto ko nga eh. Kaso hindi ba masyadong nagsa-standout?"
"Mas okay nga 'yon eh. Mapupunta sa'yo ang atensyon ng karamihan saka mas makikilala pa ang gawa ng mama mo. Bakit, nahihiya ka ba?"
Umiling lang ako. Hindi ko na kailangang ipaliwanag ang sarili ko. Kinuha ko ang gown at dinala ito sa tapat ng malaking salamin, tinapat ko ito sa katawan ko at pinagmasdan ang itsura. My mom really made it just for me, kahit hindi ko pa nasusuot alam kong ensaktong sukat ko iyon.
"Can you make my makeup light? Iyong parang natural lang. baka mapagkamalan pang ako ang may birthday niyan mamaya dahil sa kinang nitong damit ko." She giggled at what I've said and reached for her huge box of makeups.
"Sige, kung 'yan ang gusto mo."
We settled in front of my vanity mirror to get started. Elizah made my hair into a messy but elegant bun and pulled several strands of my hair at the both sides of my face. Afterwards she did my makeup. Mabilis niya lang na natapos iyon dahil nga sinabi kong light lang. The only thing that looked unnatural in my face now is just my lips, she applied glossy lipstick on it. Sinuot ko na ang gown pagkatapos. Hindi nga ako nagkamali at talagang sumakto lang ito sa sukat ko. Pinaresan ko ito ng stilettos na kulay silver din.
"Mukhang mapagkakamalan ka ngang may birthday mamaya niyan, Cinth. Ang ganda mo eh." She stared at me from head to toe with astonishment in her eyes.
Sa pagpuring iyon lang yata ako hindi natuwa. It's more like threatening. Kung nasasabi niya ito baka nga iyon ang totoo at ayokong masyadong maging agaw-pansin mamaya. Pero wala na akong oras para magpalit pa.
"And for the final touch." Inabot nito ang isang maliit na kahon mula sa paper bag.
"Mula kay mama rin ba 'yan?" tanong ko nang makita ang isang bulaklak na kulay silver ring hair clip doon.
"Yup. Your mom has an amazing taste in things like this, you know." Ikinabit niya na iyon sa bandang gilid ng buhok ko. I could feel its weight on my hair, medyo mabigat dahil bakal ang uri niyon.
Nang matapos na niya ang lahat ay nagpaalam na rin itong aalis na. I was left alone in my room, still sitting on the chair and staring at my reflection in the mirror. Kinuha ko ang isa pang box na nilapag niya kanina bago siya umalis. Inside of it is a mask, it is black and has a few feathers at the side.
I've thought for a while how I can use this as my advantage. Matatakpan nito ang kalahati ng mukha ko kaya kahit na magkasalubong o mapunta man sakin ang tingin niya mamaya ay hindi niya pa rin ako makikilala. I can get close and get away from him easily and I suddenly had confidence by thinking about it.
Pero ngayong mainit na ako sa mga mata niya, hindi ako dapat magpakakampante. There are other circumstances that he might find out it's me. I can't let my guard down especially in an event that I don't have anyone to depend on. Pupunta ako roon nang mag-isa kaya dapat maging handa ako.
Nilingon ko ang cabinet sa gilid ng kama. Tumungo ako roon at binuksan ang nasa gitnang drawer. Bumungad sakin ang tambak ng mga papel ngunit hinawi ko lang ang mga iyon dahil hindi naman 'yon ang pakay ko kundi ang nakakubli sa ilalim nito. Napalunok ako nang muling makita ang bagay na iyon.
It is black, it is cold, and it is heavy. Kailanman hindi ko pa ito nagagamit. Binigay ito sakin ni papa bilang pang-self defense dahil nga sa minsan na ring napagtatangkaan ang buhay namin ngunit kahit kailan hindi ko pa ito nagagamit sa kahit na sino.
Pero ngayong gabi, susugod ako nang mag-isa, hindi ko alam kung anong naghihintay na kapalaran sakin doon, hindi ko rin alam kung may darating na tulong sakin sa oras na magkabanggaan kami ni Calix, kaya mas mabuti nang handa ako.
Sinuot ko sa kaliwang binti kung saan natatabunan ng gown ang isang hostler at doon ko isinukbit ang baril. I don't wish to use it later but if someone pulls the trigger first, I'd be forced to pull mine as well.
Kabababa ko lang ng hagdan nang biglang nagbukas ang pinto ng bahay. Napahinto ako at mahinang napamura sa sarili nang makita ang taong pumasok. Gulat ang itsura nito nang makita ako. Tiningnan niya muna ako mula ulo hanggang paa bago iniwas ang tingin. Ibinaba nito ang hawak na pumpon ng mga pulang rosas habang natanaw ko naman ang pag-igting ng bagang niya.
"Deon! I’m so sorry." Hindi ako nito tiningnan hanggang sa marating ko na ang harapan niya.
Nawala sa isip ko ang usapan naming magkasamang magdi-dinner. Masyado akong naging okupado ng mga iniisip kong pwedeng mangyari sa party. I hated the fact that the reason why I forgot about our dinner was... Calix. That f*cking bastard.
"You see, naimbitahan kasi si mama sa isang party pero hindi sila makakapunta kaya ako na lang ang—"
"That De Varga will be there too, right?" Ngumiti ito pero bakas naman sa mga mata niya ang lungkot at pagkakadismaya. I felt guilty. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba ang tanong niya at sabihing tama siya dahil sigurado akong iisipin lang nitong mas binibigyan ko pa ngayon ng pansin ang lalaking iyon kesa sa kanyang kaibigan ko.
"Is that for me?" pag-iiba ko at tinuro ang mga bulaklak. Tiningnan niya rin iyon at ilang segundo pa ang lumipas bago ito biglang tumawa.
"Nope. This is for tita. Who do you think you are para bigyan ko ng bulaklak, hm?" Mahina nitong pinitik ang noo ko at pinakita ang mapuputi niyang ngipin.
"You need a ride beautiful lady?" Napakunot ako ng noo at nagdududa siyang binalingan.
"Hindi ka galit?" Nakangisi itong umiling.
"But you owe me a dinner next time. Libre mo." He stuck his tongue out at pinitik na naman ang noo ko.
Hindi ko magawang basahin kung anong iniisip niya. Nakangiti ito, tumatawa pero hindi ko matukoy kung totoo nga itong ipinapakita niyang itsura sakin o pagbabalatkayo lang para huwag ipahalata ang tampo nito sakin. Kasi kung ako ang nasa posisyion niya magtatampo ako, kaya kataka-takang ayos lang ito sa kanya.
"Do you want me to give you a ride?"
Hindi ako sumagot dahil ayokong pasamain pa lalo ang loob niya. Kapag manggaling pa iyon mismo sa bibig ko, pakiramdam ko magiging mas masamang kaibigan lang ako sa kanya. Nakalimutan ko na nga ang lakad namin ngayong gabi tapos tatanggihan ko pa ang pag-aalok nito sakin.
"Okay. Hihintayin ko na lang si tita." He smiled as if realizing my answer through my silence.
"Babawi talaga ako next time. Sorry." Tumango lang ito, at hindi kagaya kanina, ang ngiti nito ay isang maliit na linya na lamang.
I awkwardly smiled before bidding my goodbye. Dire-diretso ang lakad ko palabas. I don't know if he is watching me walk away or he just remained inside, ayoko nang alamin kasi baka makita ko na naman yung lungkot at pagkadismaya sa mga mata niya. Alam ko kasing maiinis lang ako lalo sa sarili ko dahil nagagawa ko ito sa pinakamatalik kong kaibigan. Kaya dapat lang na may makuha akong maayos na resulta sa gagawin ko ngayong gabi dahil ipinagpalit ko ang kaibigan ko para dito.