Surprisingly, I wasn’t as scared as I thought I would be. Batid ko ang konting kabang namamahay pa rin sa aking dibdib ngunit hindi ito kasing tindi ng dati, ng kagaya sa dating kabang binibigay sa akin ni Calix. Siguro dala ito ng kuryosidad ko. Sa sobrang kagustuhan kong maintindihan at malaman kung bakit iyon nagawa ni Lucas, hindi ko na masyadong napagtutuonan ng pansin ang takot. But I know for sure too, that more than that, I wasn’t scared because Calix is with me. Sinulyapan ko siyang nakaupo sa gilid ko sa loob ng sasakyan. Nasa likod kami habang nagmamaneho ang tauhan niya. I lost track of time thinking about what’s gonna happen later, preparing myself for the worst, and training my mind to be calm and composed no matter what happens in the club. Nakapikit ang mga mata niy