Did he leave after I fell asleep? Or he just waited for me to fall asleep before he left? Gusto kong matawa sa sarili. Bakit ko ba iniisip iyon? Ano naman kung umalis siya pagkatapos niyang sabihin sakin na hindi niya gagawin iyon? Ano pa bang aasahan ko sa kaniya? Marami siyang pinagkakaabalahan sa buhay. Mga bagay na higit na mahalaga. Hindi naman siya ang tipo ng taong mananatili sa bahay para lang bantayan ang isang tao. Para bantayan ako. Saka wala siyang dahilan para gawin iyon. Pero gustuhin ko mang alisin na ito sa isipan, magalit man ako lalo sa kaniya dahil sa pag-alis, pilit ko pa ring pinapaniwala ang sarili sa mga salitang binatawan niya. That Senator wouldn’t come here, that no one would come for me here except Calix. The vast sky above is so blue today that it almost