“What are you gonna do if he finds out?” Nagtagal ang kaniyang tingin na tila ba tinatanong ng mga mata niya kung ano ang ibig kong sabihin. “If he finds out that you are behind Mr. Alvarez’ death, if he finds out that we’re together, that you’re lying to him and keeping me.” Kumibot ang isang gilid ng labi niya na pawang natawa sa tinanong ko. “Then I’ll be free. Pero hindi pa ngayon ang tamang oras, I still have a lot to do to make him pay for ruining our family, for making my mom suffer, and for hurting Hendrix and his mom. He still has a lot to pay. And I will take from him just like how he has taken from me.” Hinimas ko ng hintuturo ang palad niyang nasa loob ng bulsa ng suot kong hoodie. It is rough and hard. Ilang dugo na rin siguro ang dumaloy rito, ilang buhay na rin siguro