King's PoV "Hindi mo ba ako kakausapin? Hindi mo ba talaga ako papansinin?" tanong sa akin ni Max habang nakatayo siya sa harapan ko. Ilang oras akong naghintay dito sa labas ng café hanggang sa mag-out si Max sa trabaho. Hindi ko siya inimik dahil naiinis pa rin ako sa ginawa nito. Hindi pa ba obvious na nagseselos ako? Hay, akala ko ba ako ang manhid? "Pumunta sa bahay si Stacey kaninang umaga." Bumuga ito nang malalim at sumandal din sa kotse ko. "Sinabi niya na mahal na mahal ka niya at hindi ka niya kayang mawala ka sa buhay niya. Siguro... mas mabuti pa na bumalik ka na lang sa kaniya at ayusin ang problema ninyong dalawa. Mayaman siya at matutulungan ka niya para sa future ninyo." "Alam mo ba ang mga sinasabi mo, Max?" naiinis kong tanong sa kaniya. "Hindi ka ba nasasaktan na i